4 arestado sa baril, granada at shabu sa Caloocan
- Published on January 30, 2021
- by @peoplesbalita
SA kulungan ang bagsak ng apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makupiskahan ng baril, granada at higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong alas-10:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt/ Deo Cabildo ng buy-bust operation sa Phase 9 Package 8, Blk 86, Lot 2, Bagong Silang.
Isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nagawang makapagtransaksiyon ng P7,500 halaga ng shabu sa kanilang target na si Enrico Nolasco, 24, at Genesis Bolanos, 27, kapwa ng Bagong Silang.
Matapos iabot ng mga suspek ang isang medium plastic sachet ng shabu sa pulis-buyer kapalit ng marked money ay agad silang dinamba ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P102,000 ang halaga, buy-bust money, isang revolver na kargado ng limang bala at isang granada.
Bandang alas-11 naman ng gabi nang masakote din ng mga operatiba ng SDEU si Ferdinand Ortega, 45, tricycle driver ng Victoria St. Brgy. 66 matapos bentahan ng P6,200 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa buy-bust operation sa 10th Avenue, Bulacan St. Brgy. 67, kasama si Armando Lazaro, 56, na umiskor din umano ng isang plastic sachet ng shabu kay Ortega.
Ani SDEU investigator PCpl Erwin Delima, nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P102,000 ang halaga at buy-bust money ang narekober kay Ortega. (Richard Mesa)
-
FB NG ISANG PARI, GINAGAMIT
NAGBABALA ang Boac Marinduque Diocese sa publiko laban sa Facebook page na gumagamit ng pangalan ng isa nilang pari para magsolicit ng pera sa mga tao. Ayon kay Fr.Wilfredo Magcamit Jr.,chancellor ng Boac Diocese na nanghihingi ng tulong pinansyal ang naturang socioal media page na gamit ang pangalan ni Fr. Ramon Magdurulang. Base […]
-
NAGPAKITANG gilas sa kanilang performance sa pagsasayaw ang mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralan ng Bayan ng Mandaon
NAGPAKITANG gilas sa kanilang performance sa pagsasayaw ang mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralan ng Bayan ng Mandaon, Probinsya ng Masbate habang nakasuot ng kanilang makukulay na mga kasuotan na sumisimbolo sa mga kagamitan at mga pinagkukunang kabuhayan ng mga Mandaonians mula sa karagatan sa ginanap na Pamasayan Festival Street Dance Competition at Ritual Showdown […]
-
Ads October 5, 2024