• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 arestado sa baril, granada at shabu sa Caloocan

SA kulungan ang bagsak ng apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makupiskahan ng baril, granada at higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong alas-10:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt/ Deo Cabildo ng buy-bust operation sa Phase 9 Package 8, Blk 86, Lot 2, Bagong Silang.

 

 

Isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nagawang makapagtransaksiyon ng P7,500 halaga ng shabu sa kanilang target na si Enrico Nolasco, 24, at Genesis Bolanos, 27, kapwa ng Bagong Silang.

 

 

Matapos iabot ng mga suspek ang isang medium plastic sachet ng shabu sa pulis-buyer kapalit ng marked money ay agad silang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P102,000 ang halaga, buy-bust money, isang revolver na kargado ng limang bala at isang granada.

 

 

Bandang alas-11 naman ng gabi nang masakote din ng mga operatiba ng SDEU si Ferdinand Ortega, 45, tricycle driver ng Victoria St. Brgy. 66 matapos bentahan ng P6,200 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa buy-bust operation sa 10th Avenue, Bulacan St. Brgy. 67, kasama si Armando Lazaro, 56, na umiskor din umano ng isang plastic sachet ng shabu kay Ortega.

 

 

Ani SDEU investigator PCpl Erwin Delima, nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P102,000 ang halaga at buy-bust money ang narekober kay Ortega. (Richard Mesa)

Other News
  • Listahan inilabas ng Malakanyang: PBBM sa publiko, planuhin ng maayos ang 2024 long weekends

    NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa publiko na planuhin mabuti at maagang ayusin ang inilabas ng Malakanyang na ‘long weekends’ para ngayong taon ng 2024.     “Lubusin natin ang mga long weekend ngayong 2024 kasama ang ating pamilya at mga mahal sa buhay!” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang post sa Instagram.   […]

  • EJKs ‘hindi pinapayagan’ sa ilalim ng Duterte administration, walang nasayang sa drug war

    TODO-DEPENSA ang Malakanyang sa war on illegal drugs ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.     Pinanindigan ng Malakanyang na ang extrajudicial killings ay hindi parusa sa ilalim ng kampanya.     “Ipinagbabawal natin ang EJK, bawal po ‘yan. Bawal ang any extrajudicial means. At kung sinuman ang kailangang parusahan, sinuman ang naakusahan, kung sinuman ang […]

  • Holdaper na nasa top 10 most wanted person, nasilo ng Valenzuela police sa Pasig

    NASAKOTE ng pulisya ang umano’y pinakalider ng gang na sangkot sa panghoholdap sa isang vape shop sa Valenzuela City, sa isinagawang manhunt operation sa Pasig City, kamakalawa ng hapon. Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Enero 22, 2024 ni Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Orven Kuan Ontalan ng Branch 285, […]