• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 ARESTADO SA PAGSASAGAWA NG PRANK

KALABOSO ang apat na lalaki matapos magsagawa ng prank na kanila umanong i-upload sa social media na isa sa kanila ang isinilid sa sako saka iniwan sa gilid ng kalsada na tila isang biktima ng summary execution sa Valenzuela city.

 

 

Kinilala ang mga dinakip na si Mark Francis Habagat, 20, Mark Aldrin Arce, 20, Chris Bayron, 20, at Wynzel Tan, 19.

 

 

Sa tinanggap na report ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega, nagpaparulya sina PCpl Rosario Cruz at PCpl Ian Baggay ng Sub-Station 1 sa West Service Road, Brgy. Paso De Blas nang isang concerned citizen ang lumapit sa kanila at ipinaalam ang hinggil sa isang hindi kilalang tao na isinilid sa sako bago iniwan sa gilid ng kalsada.

 

 

Nang respondehan, nadiskubre ng mga pulis ang nasa loob ng naturang sako ay si Habagat habang ang tatlong kasama nito na kumukuha ng video sa sako ay naaktuhang nagtatago malapit sa lugar.

 

 

Inamin ng mga suspek na sinubukan lamang nilang maglaro ng kalokohan sa mga dumadaan sa naturang lugar at balak umano nilang i-upload ang video sa social media.

 

 

Ayon sa pulisya, ang insidente ay magbibigay ng alarma sa publiko kaya dinala nila ang apat sa himpilan ng pulisya saka kinasuhan ng alarm and scandal at inisyuhan din ng Ordinance Violation Receipt dahil sa paglabag sa ordinansang nagmamandato ng social distancing at paggamit ng quarantine pass. (Richard Mesa)

Other News
  • DepEd, ipatutupad ang alternatibong learning modes sa panahon ng tigil-pasada–VP Duterte

    SINABI ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, araw ng LInggo, Marso 5 na dapat na panatilihin ang alternatibong learning modes, kapuwa “in person” at online at ipatupad sa panahon ng nagbabadyang  transport strike ngayong linggo na makapipinsala  sa “learning recovery” agenda ng Department of Education’s (DepEd).  Tinawagan naman ng pansin ni Duterte ang […]

  • Binata isinelda sa baril at pagbabanta sa kapitbahay sa Valenzuela

    KULUNGAN ang kinsadlkan ng 29-anyos na lalaki matapos pagbantaan na papatayin ang kanyang kapitbahay habang armdo ng bari sa Valenzuela City. Kinilala Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek na si Eljin Jamon Belicario, 29, (DOB: April 8, 1993/POB: Valenzuela City), ng Blk. 39 Lot 5, Northville 2, Bignay, Valenzuela City. Sa […]

  • 4 suspek sa Degamo slay, ‘kakanta

    NAGPAHAYAG ng kahandaang magsalita at makipagtulungan ang apat na nadakip na suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at walong iba pa.     Kamakalawa ay naibiyahe na patungong Maynila ang mga suspek at nakatakdang ipasok ng Department of Justice (DOJ) sa Witness Protection Program (WPP).     Unang dinala sa kustodiya ng […]