• July 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 DRUG PERSONALITIES HULI SA 408-K SHABU

NASAMSAM sa apat na hinihinalang drug personalites na nasakote ng pulisya sa buy-bust operation ang higit sa P.4 milyon halaga ng shabu sa Caloocan city.

 

 

Kinilala ni PLTCOL Giovanni Hycenth Caliao I, hepe ng NPD-DSOU at DDEU ang mga naarestong suspek na si Rommel Villanueva, 40, Arthur Peñalosa, 42, Hernan Potoza, 23, at Resty Santiago, 26, habang pinaghahanap pa ang isa nilang kasama na si Yuki Paragatos ng Navotas city.

 

 

Bandang ala-1:30 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan, kasama ang team ng SWAT/DMFB ang buy-bust operation sa Blk 56, Lot 25, Phase 2 F3, Dagat-dagatan, Brgy. 8, Caloocan city matapos ang natanggap na report na ang mga suspek ang nagpapakalat ng illegal na droga sa Brgy’s 8 at 26 at iba pang mga barangay sa CAMANAVA area.

 

 

Nakagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng isang undercover na nagpanggap na poseur-buyer ng P7,000 halaga ng shabu.

 

 

Nang magkaabutan na ng droga at marked money ay agad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek na naaktuhan pang sumisinghot ng shabu ang iba sa kanila habang nagawa namang makatakas ni Paragatos.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 60 gramo ng shabu na nasa P408,000 ang halaga, P7,000 buy-bust/boodle money, ilang drug paparaphernalia at cellphone. (Richard Mesa)

Other News
  • P4.5 trilyong national budget pirmado na ni Duterte

    Nilagdaan na kahapon, Dec 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P4.5 trilyon national budget para sa 2021.   Sumaksi sa paglagda ng 2021 General Appropriations Act ang ilang lider ng Senado at House of Representatives.   Nakapaloob din sa GAA ang alokasyon para sa COVID-19 vaccine na nagkakahalaga ng P72.5 bilyon.   Nasa P2.5 bilyon […]

  • 28 bagong scholars, tinanggap ng Navotas

    MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang 28 bagong academic scholars para sa school year 2023-2024. Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco ang paglagda sa memorandum of agreement na nagbibigay ng NavotaAs Academic Scholarship sa 15 incoming high school freshmen, 11 incoming freshmen sa kolehiyo, at dalawang guro na naghahanap ng mas mataas […]

  • DUTERTE PINAKIUSAPAN SA PAGBABALIK-SABONG

    INAPELA ng isang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na pabalikin na ang gamefowl industry o cockfighting sa mga general community quarantine na lugar sa kapuluan.   Sang-ayon kamakalawa kay Ako Bisaya party-list Rep. Sonny Lagon, lumiham siya sa Punong Ehekutibo upang makiusap na payagan na ang mga pasabong na Malaki ang makakatulong sa pagbibigay ng […]