• June 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 drug suspect timbog sa P8M shabu at baril

PINURI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/Maj. Gen. Debold Sinas ang North- ern Police District (NPD) matapos makakumpiska ng higit sa P.8 milyon halaga ng shabu at isang baril sa apat na drug personalities na naaresto sa buy-bust operation sa Valenzuela City.

 

Ang pagkakaaresto sa mga suspek na si Reynaldo Mabbun, 47, Michelle Concepcion, 42, kapwa ng San Diego St. Brgy. Canumay West, Oliver Edoria, 38, ng P. Santiago St. Brgy. Paso de Blas at Josephus Jadraque, 36, ng New Prodon, Brgy. Gen. T. De Leon ay resulta ng dalawang linggong surveillance operation na isinagawa ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/ Capt. Ramon Aquiatan, Jr.

 

Ayon kay NPD Director P/Brig. Gen. Rolando Ylagan, ang oper tion laban sa mga suspek at mula sa intelligence report na ibinigay ng Intelligence team ng NPD at Eastern District Intelligence Team ng Regional Intelligence Unit ng NCRPO hinggil sa illegal drug activities ng isang alyas Ronald, na kalaunan ay nakilala bilang si Reynaldo Mabbun.

 

Dakong alas-11:50 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng NPD- DDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Col. Giovanni Hycenth Caliao I sa bahay ni Mabbun sa San Diego St. na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

 

Narekober ng mga operatiba ang aabot sa 30 gramo ng shabu mula sa mga suspek na tinatayang nasa P884,000,00 ang halaga, cal. 357 Magnum Smith at Wesson revolver na kargado ng 5 bala, ilang drug paraphernalia, marked money na binubuo ng 2 piraso tunay na P1,000 bill at 10 piraso boodle money, 2 cellphone at P1,400 drug money. (Richard Mesa)

Other News
  • ROBI at ICE, eeksena sa ‘4th EDDYS’ ng SPEEd na gaganapin sa Easter Sunday

    MAGKAKAALAMAN na sa April 4, Easter Sunday, kung sinu-sino ang tatanghaling pinakamagagaling sa mundo ng pelikula ngayong taon sa gaganaping 4th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice).     Tuluy na tuloy na ang pamimigay ng parangal ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa ikaapat na edisyon ng The EDDYS sa mismong Linggo ng Pagkabuhay, 8 […]

  • Bilang ng health workers, kinakapos pa rin – PHA

    Patuloy na kinakapos ng health workers ang maraming ospital sa malaking bahagi ng ating bansa.     Ito ang pag-amin ni Philippine Hospital Association (PHA) president Dr. Jaime Almora, kasunod ng malaking pangangailangan sa mga doktor at nurses, ngayong ikalawang taon na ng COVID-19 pandemic.     Ayon kay Almora, kahit bumaba na ang bilang […]

  • PNP kumambiyo, ‘hatid sundo’ ng non-APOR sa APOR papayagan na

    Papayagan na rin ang mga non-authorized persons outside of residence (APOR) na maghatid-sundo hindi lang sa Health workers, kundi sa lahat ng essential workers.     Ito ang inihayag ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar matapos na humingi ng guidance sa National Task Force kaugnay ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR simula […]