• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 drug suspects kalaboso sa P190K droga sa Caloocan

HALOS P.2 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.

 

 

Sa nakarating na report kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagpapatrulya ang mga tauhah ng Cadena De Amor Police Sub-Station sa Robes 1, Brgy. 175 dakong alas-10:57 ng gabi nang makita nila ang isang lalaki na may iniabot na isang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa kanyang kausap.

 

 

Nang lapitan nila, tumakbo ang mga suspek kaya hinabol nila ang mga ito hanggang makorner si alyas ‘Ungas’ at nakuha sa kanya ang isang dalawang medium plastic sachets na naglalaman ng 20 grams ng hinihinalang shabu na may estimated value na P136,000 habang nakatakas ang nag-abot sa kanya ng droga.

 

 

Bandang alas-11:50 ng gabi nang maaresto naman ng mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 13 si alyas ‘Tobats’ sa Phase 7C, Kaagapay Road,  Brgy. 176, Bagong Silang matapos makuhanan ng isang medium transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 4.5 grams ng hinihianalang shabu na may katumbas na halagang P30,600.00.

 

 

Sa Sawata St., Brgy. 35, natimbog naman ng mga tauhan ng Tuna Police Sub Station-1 na nagsasagawa ng anti-criminality operation ang dalawa pang drug suspects matapos makuhanan ng dalawang plastic sachets na naglalaman ng aabot 4.1 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P27,880.00.

 

 

Iisyuhan lang sana sila ng mga pulis ng Ordinance Violation Receipt dahil sa paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod na pagsisigarilyo sa pampublikong lugar subalit, tumakbo ang mga suspek kaya hinabol sila ng mga arresting officers hanggang sa makorner at maaresto, alas-11:30 ng gabi.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangeorus Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Selebrasyon sa ika-70 taon sa pag-upo ni Queen Elizabeth magiging pribado lamang

    HINDI magkakaroon ng magarbong pagdiriwang ang Buckingham Palace sa ika-70 taon ng pagkakatalaga kay Queen Elizabeth II.     Ang 95-anyos kasi na si Elizabeth ay naging reyna ng Britanya at ilang mga bansa gaya ng Canada, Australia at New Zealand matapos ang pagpanaw ng amang si King George VI noong Pebrero 6, 1952.   […]

  • Ads March 5, 2025

  • Netizens, humihirit pa rin na magka-Book 3: ‘First Lady’ nina GABBY at SANYA, hataw pa rin sa pagtanggap ng awards

    ISA sa nanguna sa pagbuo ng 2022 GMA Christmas Station ID na “Love is Us this Christmas” ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.       During the station ID shoot, nag-reflect ang mag-asawa sa meaning of the song for them.     For Dingdong, “para sa akin, ang ibig sabihin […]