4 drug suspects nabitag sa Valenzuela drug bust
- Published on January 24, 2024
- by @peoplesbalita
APAT na hinihinalang sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y illegal drug activities ng nagba-buy and sell na si alyas “Ron”, 55, kaya ikinasa nila ang buy bust operation laban sa kanya sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon s suspek ng P500 halaga ng droga at nang tanggapin niya ang markadong salapi mula sa pulis kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang inaresto ng mga operatiba, kasama ang kanyang kasabwat na si alyas “Isabel”, 42, cashier, residente ng Brgy. Arkong Bato dakong alas-12:45 ng madaling araw sa B Espiriru St., Brgy. Mabolo.
Ani PSSg Carlos Erasquin Jr., nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 3 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P20,400, marked money, P300 recovered money at coin purse.
Nauna rito, natimbog naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Balanti St., Brgy. Ugong dakong alas-12:35 ng madaling araw sa pangunguna ni PEMS Restie Mables sina alyas “Jovienal”, 36, at alyas “Ernesto”., 48, tricycle driver ng San Jose St.,Pangil, Laguna City.
Ayon kay Cpt. Sanchez, nakuha sa mga suspek ang nasa 3 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P20,400, P500 marked money, P500 recovered money at coin purse.
Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng ilegal na droga na nagresulta sa pagkakasakip sa mga suspek na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Kasalan Bayan sa ika-17th Navotas Cityhood Anniversary
SINAKSIHAN ni Mayor John Rey Tiangco at mga opisyal ng pamahalaang lungsod ang pagpalitan ng mga mangako ng 39 mag-asawa sa isang heartwarming celebration ng pagmamahal sa ginanap na Kasalang Bayan noong June 24, bilang bahagi ng ika-17th Navotas Cityhood Anniversary festivities. Kabilang sa mga mag-asawang matagal nang magkasintahan ay sina Cirilo Arsenio, Jr. at Anabel Alcantara, […]
-
Dumating na ang hinihintay na ‘perfect time’: YNNA, engaged na rin sa non-showbiz boyfriend na si BULLY
ENGAGED na rin si Ynna Asistio sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Bully Carbonell. Sa kanyang Instagram, pinost ni Ynna ang photo nila ni Bully at suot na niya ang kanyang engagement ring. “Ilang taon ako [nagbenta] ng engagement ring and wedding ring. Lagi ko tinatanong sa sarili ko, ‘kailan kaya […]
-
PBBM, tinintahan ang CREATE MORE bill para makahikayat ng mas maraming investments
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes, Nobyembre 11, ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act para i-promote ang Pilipinas bilang pangunahing investment destination. Ang CREATE MORE Act o Republic Act (RA) 12066, nilagdaan ni Pangulong Marcos sa isang seremonya […]