4 drug suspects tiklo sa P.2M droga sa Valenzuela
- Published on April 12, 2024
- by @peoplesbalita
LAGLAG sa selda ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng droga nang maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Sa report ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng tricycle driver na si alyas “Merlan”, 34, kaya isinailalim nila ito sa validation.
Nang positibo ang ulat, bumuo ng team si Major Rivera sa pangunguna ni P/Capt. Regie Pobadora saka ikinasa nila ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-9:05 ng gabi sa loob mismo ng kanyang bahay sa Bacani St., Brgy. Marulas matapos bintahan ng P7,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Kasama ring dinakip ng mga operatiba sina alyas “Vicente”, 33, alyas “Wet”, 34, at alyas “Kongkong”. 19, tricycle driver, pawang residente ng Brgy. Marulas matapos maaktuhan ng mga pulis sa loob ng naturang bahay na magkakaharap sa isang maliit na mesa habang gumagamit umano ng droga.
Ayon kay Capt. Pobadora, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 30 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P204,000, buy bust money na isang P500 bill, kasama ang pitong P1,000 boodle money, cellphone, weighing scale at ilang drug paraphernalias.
Pinuri naman ni Gen. Gapas si Major Rivera at ang kanyang mga tauhan sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng droga na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
‘Free mass testing’ giit ng grupo ngayong NCR Alert Level 3, COVID-19 surge
Dahil sa biglaang pagtaas ng COVID-19 cases nitong holiday season, naninindigan ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na isakatuparan ang libreng mass testing laban sa sakit — bagay na hindi pa rin ibinibigay ng gobyerno hanggang ngayon. Linggo lang nang umabot sa 4,600 ang bagong COVID-19 cases sa Pilipinas, ang pinakamarami simula pa […]
-
TONY, piniling mag-stay sa Dos dahil sa utang na loob
ISA si Tony Labrusca na tumatanaw ng utang na loob sa ABS-CBN kaya nag-stay pa rin siya at hindi tumanggap ng projects sa ibang TV network. “Ako po, pinag-pray ko talaga kasi honestly this time, gulung-gulo ako kung ano ang gagawin kasi ang daming lumilipat, honestly may mga naging offers ako sa ibang network […]
-
Ads January 21, 2021