• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 drug suspects timbog sa P1.2M shabu sa Caloocan

Arestado ang apat na drug suspects, kabilang ang top one drug personality ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.

 

 

Ayon kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Eliseo Cruz, dakong 10 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Maj. Ramon Aquiatan Jr. ng buy-bust operation sa No. 194 Heroes Del 96 Brgy. 74 Zone 7 Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jesy Boy Cruz, 38, Prince Kevin Esteve, 25, at Marlon Yuki, 36, pawang dating nakulong dahil sa ilegal na droga at nakalaya sa pamamagitan ng plea bargaining agreement.

 

 

Narekober sa mga suspek ang nasa 70 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P476,000 ang hahalaga, marked money, cellphone, digital weighing scale, P900 drug money at ilang drug paraphernalias.

 

 

Nang tanungin ng mga operatiba ang mga suspek kung sino ang kanilang source ng ilegal na droga ay nakipagtulungan naman ang mga ito at inginuso si alyas Jeff na kanilang Boss at source ng illegal na drugs.

 

 

Kaagad nagsagawa ng follow-up buy bust operation ang mga operatiba ng DDEU sa 28 Guido 4 Brgy. 33 District 2 Zone 3 Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jeffrey Madera, 40, tricycle drive, matapos bentahan ng P10,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Nakumpiska kay Madera ang nasa 110 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P748,000 ang halaga, marked money, digital weighing scale at cellphone.

 

 

Ayon kay P/Capt. Aquiatan, si Madera ang top one drug personality ng NCRPO at siya umano ang matunog na nagbebenta at nagde-deliver ng ilegal na droga sa area ng Camanava. (Richard Mesa)

Other News
  • Liquor ban inalis na sa Navotas

    Inalis na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang ipinatupad nitong liquor ban kaugnay ng magiging bilang ng mga kaso ng COVID-19 matapos ang Kapaskuhan.     Sa bisa ng City Ordinance No. 2021-07 na pinirmahan ni Mayor Toby Tiangco, pinawalang-bisa na ang pagbabawal sa pagbili o pagbenta ng alak o inuming nakalalasing sa lungsod simula […]

  • First time makatrabaho si Diego na gaganap ding anak niya: CESAR, na-challenge kung paano ipu-portray ang role bilang Pres. FERDINAND MARCOS

    SA July 20na pala ang showing ng dramedy film na Maid In Malacanang ng Viva Films na mula sa script at direction ni Darryl Yap, kaya puspusan na ang pagsu-shooting nila.     Ang movie ay mula sa kuwento ng reliable source ni direk, tungkol sa mga pangyayari sa Palace, 72 hours bago umalis ang […]

  • National karatekas maagang magtutungo sa France

    Mas maagang magtutungo ang mga national karatekas sa Paris, France para sumabak sa World Karate Championship, ang pinakahuling qualifying tournament para sa 2021 Olympic Games.     Ito ay dahil sasailalim pa sina 2019 SEA Games gold medalist Jamie Lim, Fil-Am Joane Orbon, Ivan Agustin, Shariff Afif, Joco Vasquez, Sarah Pa­ngilinan at Jason Macaalay sa […]