• April 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 ginto sinikwat ni Ramos

APAT  na gold, isang silver at isang bronze medal ang inangkin ni Rose Jean Ramos sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.

 

 

Dinomina ng 17-anyos na si Ramos ang labanan sa snatch (70 kgs), clean and jerk (83 kgs) at total lift (153 kgs) sa women’s 45-kilogram youth division (13-17 years old).

 

 

Isang ginto rin ang kinuha ng tubong Zamboanga City sa snatch (70 kgs) at tig-isang pilak sa total lift (153 kgs) at tansong medalya sa clean and jerk 83 kgs) sa junior’s division (15-20 years old).

 

 

“Congratulations,” sabi ni Tokyo Olympics gold meda­list Hidilyn Diaz sa kanyang kababayang si Ramos na isa sa mga sinasabing susunod sa kanyang mga yapak.

 

 

Nauna nang humakot ang 15-anyos na si Angeline Colonia ng dalawang gold at isang silver medal tampok ang pagbasag sa world at Asian records sa women’s 40kg category.

 

 

Nakatakda namang bumuhat ang 16-anyos na si Rosegie Ramos at ang 18-anyos na Asian at Southeast Asian Games champion na si Vanessa Sarno sa kanilang mga weight divisions.

Other News
  • PVF nanawagan sa POC; LVPI idiskwalipika sa eleksyon

    Muling nanawagan at umapela ang Philippine Volleyball Federation (PVF) kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na rebisahin ang isyu sa volleyball at idiskwalipika ang Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVPI) sa gaganaping POC election sa Nobyembre 27. Sa sulat ni PVF President Edgardo “Tito Boy” Cantada na may petsang Nobyembre 5, 2020, […]

  • KRIS, nagdesisyon na maninirahan na sa Tarlac kasama sina JOSH at BIMBY

    NAGBAGO na pala ng plano si Kris Aquino kung saan siya susunod na lilipat ng tirahan.      Kung dati ang gusto niya ay bumili ng isang beachfront house, na titirahan niya ng ilang buwan, hanggang sa makahanap siya ng susunod na titirahan para malayo siya sa city.     At ang balak niya, ay […]

  • 3 timbog sa sugal at shabu sa Valenzuela

    BINITBIT sa selda ang tatlong katao matapos maaktuhang naglalaro ng ilegal na sugal na cara y cruz at makuhanan pa ng shabu ang dalawa sa kanila sa Valenzuela City.     Sa report ni PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap ang Bignay Police Sub-Station (SS-7) ng impormasyon mula sa isang […]