4 kulong sa cara y cruz at shabu sa Valenzuela
- Published on February 13, 2025
- by Peoples Balita
SA kulungan ang bagsak ng apat katao matapos madakma ng pulisya sa magkahilay na anti-ilegal gambling operation at makuhanan pa ng droga ang dalawa sa kanila sa Valenzuela City.
Sa ulat ni P/MSg Carlos Erasquin Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang Police Sub-Station 8 mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong illegal gambling activities sa Rosario St. Brgy., Mapulang Lupa.
Nang respondehan ng mga tauhan ng SS8, naaktuhan nila ang dalawang lalaki na naglalaro ng cara y cruz sa loob ng isang barber shop sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.
Nakuha mga suspek na sina alyas “Edward” at alyas “Gerald” tatlong piso coins na gamit bilang ‘pangara’ at P370 bet money habang ang tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu ay nasamsam kay ‘Edward’.
Alas-10:20 ng umaga nang maaktuhan naman ng mga tauhan ng Police Sub-Station 1 sina alyas “Bryle” at alyas “Jomar”, habang naglalaro ng illegal na dugal na cara y cruz din sa Brgy. Paso De Blas.
Sa kanyang report kay Col. Cayaban, sinabi ni PCpl Christopher Quiao na nakumpiska sa mga tauhan ng SS1 sa mga suspek ang tatlong piso coins na gamit bilang ‘pangara’ at P106 bet money habang ang isang sachet ng umano’y shabu ay nakuha kay ‘Bryle’.
Sinampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa PD 1602 at RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
-
Na-diagnose na may lung cancer, kaya gustong tulungan: JOHN, nagsimula ng fund-raising project para sa dating writer ng ‘Goin’ Bulilit’
DAHIL marami na ang nakakapanood ng historical portal fantasy series na Maria Clara At Ibarra ng GMA-7 kaya naman ang mga Pinoy na naka-base sa ibang bansa ay hinihiling na lagyan ng English subtitles ang bawa’t episodes kapag pinapanood nila ito sa YouTube. At hindi lang kasi mga Pinoy kundi pati foreigners na tumututok […]
-
Sotto sasabak sa NBA Draft
ITUTULOY ni Kai Sotto ang pangarap nitong makapaglaro sa NBA matapos ihayag ang pagsabak nito sa 2022 NBA Rookie Draft. Mismong ang 7-foot-3 Pinoy cager na ang nagdeklara ng kanyang intensiyong lumahok sa draft sa kanyang post sa social media kahapon. “I have declared for the 2022 NBA Draft. Please pray […]
-
Maliksi pumirmi sa Meralco
MAGPAPATULOY para sa Meralco ang pagseserbisyo ni veteran swingman Allein Maliksi para sa darating 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa umpisa sa Abril 9. Nabatid kamakalawa kay veteran players agent Danny Espiritu, na lumagda ng bagong kontrata ang four-time PBA champion at incoming 10-year pro veteran kasama ang nagbalik team […]