4 NA INDIBIDWAL, INARESTO SA ANTI-KFR AT GUNRUNNING OPERATION
- Published on March 31, 2022
- by @peoplesbalita
NAARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na indibidwal na bahagi ng sindikato na responsible sa kidnap for ransom at pagpatay sa mga Chinese national.
Kinilala ni NBI OIC-Director Eric B. Distor ang naaresto na Chinese national na sina Li Tao Tao at Huang Bao Jian na naaresto sa isang Chinese restaurant sa Pasay City dahil sa pagbebenta ng 3 di lisensyadong baril na Glock 22 cal. 40, Glock 30 cal. 45 at Springfield XD-9 Subcompact 9mm; Marck Rovel De Ocampo alias Erick Isaytono de Ocampo na itinurong gun supplier.
Bunsod nito, isang follow up operation ang ginawa sa Aseana City sa Parañaque laban sa financier at leader ng crime group na parehong dayuhan.
Nabatid na nang ipag-utos ng operatibang NBI-IOD ang mga suspek na lumabas mula sa kanilang tinted na sasakyan, tumanggi ang mga ito at pinaharurot ang kanilang sasakyan.
Dahil dito, nagkaroon ng putukan kung saan nakatakas ang mga suspek. Nag-alarma naman ang mga operatiba sa PNP na arestuhin ang mga suspek kung makita ang kanilang sasakyan sa kanilang area of responsibility.
Hanggang sa nalaman ng NBI-IOD na ang nasabing sasakyan ay natagpuan sa isang parking area kung saan si Yu Jingdong, isang Chinese national ay isinugod sa ospital matapos na tamaan ng bala sa palitan ng putukan habang ang isang Sy Tuan Dat, isang Vietnamese ay natagpuang patay sa sasakyan.
Matatandaan din na noong February 15, 2022, si Yu JingDong ay inaresto sa Okada Hotel dahil sa illegal possession of firearms at ammunition at kinasuhan sa Parañaque Prosecutors Office.
Sa nasabi ring buwan, Mark Rovel de Ocampo alias Erick Isaytono De Ocampo ay kinasuhan ng Kidnapping for Ransom at Serious Illegal Detention sa ilalim ng Article 267 of the Revised Penal Code, R.A.8353 (Rape) at paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2012 at Sec 261 ng BP 881 (Omnibus Election Code in relation to Comelec Resolution No.120728). (GENE ADSUARA )
-
Dingdong, muling ni-reveal ang ‘gift for music’ ni Zia
PINASILIP ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanyang IG post noong October 1 ang evening routine nila ni Zia. Muling ni-reveal ni Dingdong ang ‘gift for music’ ni Zia nang kantahin nito at i-strum sa gitara ang 1961 hit ni Ben E. King na “Stand By Me.” Post ng lead star ng […]
-
PBBM, nakiisa sa buong mundo sa pagkilala sa papel ng mga kababaihan
SALUDO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kababaihan na patuloy na nagpapakita ng tapang at determinasyon sa kanilang tahanan, trabaho, at komunidad. Ito ang naging posts ng Pangulo sa kanyang Facebook at Twitter account. “Happy International Women’s Day!” ang post ng Pangulo kasama ang larawan ng kanyang may-bahay na si […]
-
12 sundalo ng US kasama sa 60 patay sa Kabul Airport bombing
Kinumpirma ng Pentagon na 12 sundalo nila ang nasawi sa pagsabog sa Kabul Airport sa Afghanistan. Sinabi ni Gen. Kenneth “Frank” McKenzie, namumuno sa US Central Command, kabilang sa nasawi ang 11 marines at isang Navy Medics. Mayroong 15 mga sundalo din nila ang nasagutan na dinala na sa pagamutan. […]