4 NA NAWAWALANG MANGINGISDA, NATAGPUAN NA
- Published on September 28, 2021
- by @peoplesbalita
APAT sa siyam na mangingisdang nawawala ang natagpuan na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) search and rescue/ retrieval operations.
Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, kinilala ang natagpuan mga bangkay ng mga mangingisda ng FB St .Peter The Fisherman II ay nakilalang sina Sonar Operator Norberto Parlotzo ng Bantayan Island, Cebu; Piscador Rommel Engle ng Cadiz City, Negros Occidental; Piscador Julit Salvo ng Don Salvador Benedicto, Negros Occidental at isang hindi pa nakilalang mangingisda.
Magpapatuloy pa rin ang SAR operations sa iba pang nawawalang mangingisda kabilang sina Boast Captain Frankie Chavez (Toboso, Negros Occidental); Steersman Renante Forsuelo (Cadiz City, Negros Occidental); Chief Engineer Herminio Ronamo (Estancia, Iloilo); Cook Julian Dungog (Cadiz City, Negros Occidental) at Third Engineer Manuel Auditor (Cadiz City, Negros Occidental)
September 24 nang lumubog ang fishing vessel sa karagatan sakop sa pagitan ng Tanguingui Island sa Northern Cebu at Gigantes Island sa Iloilo. GENE ADSUARA
-
Baseball, basketball sa PSA Forum
PAG-UUSAPAN ang baseball at basketball sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong umaga sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex. Tatalakayin ang paglahok ng Philippine baseball team sa XIV East Asia Baseball Cup at ang darating na East Asia Super League Home and Away Season 2 sa pang alas-10:30 ng umagang public […]
-
MARIS, pinagdududahan ng netizens kung may relasyon na sila ni RICO
KAARAWAN ni Rico Blanco noong Miyerkules, pero more than his birthday, ang naging pagbati ni Maris Racal sa kanya ang napag-usapan. Ang tanong ng netizen na ikinagulat ng halos lahat, “sila ba?” Nag-post si Maris sa kanyang Instagram account ng picture ni Rico at ang ikalawang post niya, habang tinutugtugan siya […]
-
PGB SPECIAL AWARD
PGB SPECIAL AWARD. Iprinisinta ni Bulacan Provincial Jail Warden Ret. P/LT COL Marcos C. Rivero kasama si P/LT COL Rizalino A. Andaya (dulong kanan) ang tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na BJMPRO-III’s BEST 2022 Special Award mula sa Bureau of Jail Management and Penology Regional Office III para sa ‘di-matatawarang suporta nito sa huli […]