• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 na tulak timbog sa shabu at damo

APAT na hinihinalang drug pushers ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon city.

 

Ayon kay Malabon police chief Col. Jessie Tamayao, alas-3 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcemen Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Edison Dela Cruz sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Venchito Cerillo ang buy-bust operation kontra kay Jan Bryan Arizala, 34, at Anthony Cyrel Sayson, 28, sa Camia St. Brgy. Maysilo.

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

 

Ani SDEU investigator PMSg Randy Billedo, nasamsam sa mga suspek ang aabot sa 11.00 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P74,800 at buy-bust money.

 

Sa Pampano St. Brgy. Longos, nadamba din ng mga operatiba ng SDEU sa buy-bust operation si Jhardy Escaran, 29, at Rommel Ortiz, 26, alas-3:45 ng madaling araw.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang 13 plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 23 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang nasa P2,760 ang halaga at P500 buy-bust money.

 

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa naarestong mga suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • President-elect Marcos inatasan si VP-elect Sara na i-review ang implementasyon ng K-12 education system

    INATASAN ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. si incoming DepEd secretary at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio na i-review ang implementasyon ng kontrobersiyal na K-12 education system sa bansa.     Ayon kay VP Sara, kailangan na mapag-usapan muna ang panukalang buwagin ang K-12 education system dahil isa itong isyu na hindi dapat pinagdedesisyunan ng mabilisan.   […]

  • ‘Unahin vaccination rollout sa NCR’– experts

    Inirekomenda ngayon ng OCTA Research group sa national government na bigyang prayoridad ang vaccination rollout ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR).     Sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group ang NCR kasi ang ikinokonsidera ngayong sentro ng pandemic na nakakaapekto sa sitwasyon sa buong bansa.     Aniya, […]

  • Ads July 5, 2022