4 patay, 3 sugatan
- Published on February 27, 2021
- by @peoplesbalita
Apat ang patay, kabilang ang dalawang pulis ng Quezon City Police District (QCPD), isang agent at isang civilian informant ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), habang tatlo pa ang sugatan sa naganap na ‘misencounter’ ng dalawang ahensiya kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Ayon kay National Capital Region Office chief, Maj. Gen. Vicente Danao Jr. nakakalungkot na nagkaroon ng misencounter na ang layunin ay sugpuin ang bentahan ng illegal drugs sa bansa.
Lumilitaw na alas-5:45 ng hapon nang maganap ang ‘armed encounter’ sa pagitan ng mga tauhan ng District Special Operations Unit ng QCPD at PDEA sa parking lot ng isang fastfood chain sa Commonwealth Ave.
Sinabi ni Danao na walang ideya ang PNP na ang kanilang katransaksiyon ay PDEA agents.
“Kung sino ‘yung nag buy-bust, sino yung ka buy-bust, ‘yun pa yung iniimbestigahan natin, ” ani Danao .
Kapwa nagsasabi ang dalawang ahensya na kumpleto ang kanilang mga koordinasyon pero nangyari pa rin ang shootout.
Papasok rin sa imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) para mabigyang-linaw ang mga pangyayari.
Hindi umano maaapektuhan ang imbestigasyon ng NBI sa ginagawa ring imbestigasyon ng PDEA at PNP.
Nakilala ang dalawang nasawing pulis na sina PCpl Lauro de Guzman at PCpl Galvin Eric Garado, kapwa nakatalaga sa District Special Operations Group (DSOU) ng Quezon City Police District (QCPD) habang hindi kaagad nakuha ang pagkakakilanlan ng ikatlong namatay na isang PDEA agent.
Alas-5:45 ng hapon kamakalawa nang maganap ang insidente sa parking area ng isang kilalang fastfood chain, sa tabi ng mall na matatagpuan sa Commonwealth Avenue, Brgy. Batasan Hills.
Samantala, sinisilip ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na posibleng ang mga drug syndicate ang sumabotahe at kumilos kaya nagkaroon ng misencounter ang grupo ng Quezon City police at ng una. Ayon kay PDEA director Wilkins Villanueva na bagama’t hindi pa sila makapagbibigay ng impormasyon dahil sa patuloy pa rin ang masusing imbestigasyon na kanilang isinasagawa, tinitignan nila ang anggulo nang pananabotahe, napaglaruan ng sindikato o pwede rin naman na kapabayaan kaya naganap ang barilan.
Kaugnay nito, nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng patas na imbestigasyon sa nangyaring barilan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nalungkot ang Pangulo matapos malaman ang nangyari at nangako na magkakaroon nang “masinsinang” imbestigasyon.
Kapwa rin nagpahayag ang Senado at Kamara na magsasagawa rin sila ng imbestigasyon sa nangyaring barilan na sinasabing ‘misincounter’ sa pagitan ng dalawang law enforcement unit. (Daris Jose)
-
NGCP, binawi na ang red alert sa Luzon power grid; yellow alert , nananatiling nakataas
BINAWI na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang red alert status na inilagay nito sa Luzon power grid , araw ng Sabado. Ang pagbawi sa red alert ay nangyari ng alas- 5:30 ng kamakalawa. Sa isang kalatas na ipinalabas ng Department of Energy (DOE), itinaas ng NGCP ang […]
-
Historic win: World’s No. 1 Ashleigh Barty kampeon sa women’s Australian Open
NAGTALA ngayon ng kasaysayan ang world’s number one na si Ashleigh Barty matapos na bigyan niya ng korona ang Australia nang masungkit ang women’s singles title sa Australian Open sa loob ng dalawang sets laban kay Danielle Collins ng Amerika sa score na 6-3, 7-6(2). Hindi binigo ni Barty ang kanyang mga kababayan […]
-
Unfinished gov’t projects, hindi magiging ‘white elephants’- Andanar
TINIYAK ng Malakanyang na hindi magiging “white elephants” ang mga unfinished infrastructure projects sa ilalim ng “Build, Build, Build” program dahil dumaan ito masusing assessment ng National Economic and Development Authority (NEDA) bago pa ito inaprubahan. Ang pahayag na ito ni acting presidential spokesperson Martin Andanar ay matapos na sabihin ni presidential bet […]