• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 patay, 5 sugatan sa salpukan ng bus vs van

APAT ang patay habang lima ang sugatan sa salpukan ng isang van-for-hire at ng isang bus sa Barangay Estaca, sa bayan na ito kahapon (Biyernes) ng madaling araw.

 

Ayon sa imbestigasyon ng Compostela Police Station, galing Daan bantayan ang van at papunta na sanang Cebu City ng mabangga nito ang bus na papuntang Northern Cebu.

 

Kabilang sa namatay ang isang seaman na lilipad sanang Manila bago ang community quarantine sa National Capital Region sa Linggo dahil sa tumataas na kaso ng coronavirus disease 2019.

 

Iniimbestigahan pa ng otoridad kung bakit nagbanggaan ang dalawang sasakyan pati na rin ang alegasyon na nakatulog ang driver ng van na si Patrick Niel Tulo na kritikal ang kondisyon.

 

Ayon sa nakaligtas na pasaherong si Mark Lester Briones di niya masabing nakatulog ang driver ngunit sinabi niyang mabilis ang kanilang takbo at hindi umano ito dumadaan sa wastong lane.

 

Aminado naman ang driver ng bus na si Jerry Lubon di na siya nakaiwas dahil bigla nalang bumangga sa kanila ang van.

 

Hihingin ng mga awtoridad ang CCTV footage ng bus upang tingnan kung ano ang nangyari bago ang aksidente.
Haharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, multiple physical injuries and damage to property ang driver na mapatunayang responsable sa aksidente.

Other News
  • 21 na kaya goodbye na sa pagiging ‘baby boy’: DARREN, nanggulat sa pasabog na daring at sexy pictorial

    PASABOG si Darren Espanto ngayong 21 year old na siya.     After nga niyang magpa-party, aba, may hinahanda pala itong bonggang pasabog sa kanyang mga tagahanga.     Bigla na lang nag-post si Darren sa kanyang Instagram account ng mga topless photos niya. Nag-effort talaga itong magpa-pictorial at ang simpleng caption niya ay “21.” […]

  • PBBM, tinitingnan ang ‘self-regenerating’ pension plans para sa AFP, PNP

    HANGAD ng pamahalaan na bumuo at magpalabas ng “self-regenerating” pension plans para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).     Isiniwalat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano niyang itong sa sidelines ng inagurasyon ng 160-megawatt wind farm sa Pagudpud, Ilocos Norte.     “We are still in […]

  • 5 babaeng Vietnamese, nasagip sa prostitusyon

    LIMANG babaeng Vietnamese nationals ang nai­ligtas habang dalawa pang dayuhan ang dinakip sa entrapment operation ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Southern Police District (SPD) kaugnay sa pambubugaw umano ng mga babae para sa panandaliang aliw, sa Parañaque City, kamakalawa ng madaling araw.     Kinilala ni SPD Director P/Brig. General Kirby John Brion […]