• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 Pinoy seamen lulan ng barko na hinuli ng Iran – DMW

KINUMPIRMA ng Department of Migrant Workers (DMW) na kabilang ang apat na Filipino seafarers sa mga tripulanteng lulan ng barkong hinuli ng mga Iranian authorities.

 

 

Hindi pa naman tinukoy ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac ang pagkakakilanlan ng mga Pinoy seamen na lulan ng container ship na MSC Aries.

 

 

Tiniyak naman ni Cacdac na alinsunod sa direktiba ng Pangulo, nakikipag-ugnayan na sila sa mga pamilya ng mga naturang seafarers at sinigurong pagkakalooban ang mga ito ng full government support at assistance.

 

 

Nakikipag-ugnayan na rin umano sila sa Department of Foreign Affairs (DFA), licensed manning agency at maging sa ship manager at operator upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan, gayundin ang agarang pagpapalaya sa mga tripulanteng Pinoy.

 

 

Batay sa ulat ng Iran state-run IRNA news agency, isang Islamic Revolutionary Guard Corps helicopter ang sumakay sa Portuguese-flagged MSC Aries at dinala ito sa Iranian waters noong Sabado.

 

 

Kinumpirma naman umano ng MSC, na siyang nag-o-operate sa Aries, na ang Iran ang humuli sa barko. (Daris Jose)

Other News
  • HOLDAPER, PATAY SA AWTORIDAD

    PATAY ang isang lalaki na suspek sa isang panghoholdap matapos na nanlaban sa awtoridad sa Malate, Maynila Lunes ng gabi.     Naisugod pa sa Ospital ng Maynila ang suspek na Inilarawan ang nakasuot ng muscle shirt at may dalang bag pack at chest bag.     Sa ulat ni Pat Errhol G. Aguila ng […]

  • Bianca balik-LPGA na

    NAKATAKDA nang bumalik sa Estados Unidos si Bianca Pagdanganan sa susunod na lingo para ipagpatuloy ang ikalawa niyang taong kampanya sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021.     Makikipagpaligsahan ang 23-anyos,may taas na 5-4, at tubong Quezon City at pambato ng mga Pinoy sa 34 na may 35 yugto sa pangunahing torneo […]

  • SUNSHINE, na-trauma at nag-regret sa ginawang detailed ‘house tour’ para sa vlog

    ISA sa mga pinakapumatok na vlog ang ‘house tour’ ng mga sikat na personalidad.     Ngunit hindi malayong makatawag ito ng pansin ng mga masasamang-loob, at ang temang ito nga ang ipapakita ng bagong pelikula ni direk Roman Perez, Jr. na siya ring direktor ng Adan (2018), The Housemaid (2021) at Taya (2021).   […]