• November 9, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 pres’l bets, walang balak umatras sa May 9 elections

NAGKAKAISANG  inanunsyo nina Senator “Ping” Lacson, Senator Manny Pacquiao, dating Defense Secretary Norberto Gonzales, at Manila Mayor “Isko” Moreno na hindi nila iuurong ang kandidatura sa pagka-pangulo.

 

 

Pahayag ito ng apat na presidential candidates sa ginanap na joint press conference sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City, kasabay ng Easter Sunday.

 

 

Ayon kay Isko, ang bawat isa sa kanila ay magpapatuloy sa kani-kanilang indibidwal na kandidatura upang maging karapat-dapat na pagpilian ng mga mamamayang Pilipino.

 

 

“Kami, pangalawa ay magsasanib puwersa upang labanan ang anumang pagtatangka upang baluktutin ang totoong pagpapasya ng taongbayan sa pamamagitan ng paggalaw na hindi kanais-nais o maglilimita sa malayang pagpili ng ating kababayan,” wika pa ni Moreno.

 

 

Nakapirma rin aniya sa parehong statement si Pacman ngunit padating pa lamang sa venue nang kanyang basahin sa publiko.

 

 

Nabatid na mahigpit ang seguridad sa labas pa lamang ng nasabing hotel sa Makati.

 

 

Una nang inihayag ng ilang analysts na ang 2022 presidential polls ay mistulang two-way fight sa pagitan nina Sen. “Bongbong” Marcos at Vice President “Leni” Robredo na sila ring mahigpit na naglaban sa vice presidency inoong 2016 elections.

 

 

Ngayong araw ay eksakto tatlong linggo na lamang bago ang halalan sa darating na May 9.

 

 

Narito ang JOINT STATEMENT na binasa ni Mayor Isko:

 

Higit pa man sa resulta ng isang halalan, mas pinaliral natin dapat ang kalayaan ng ating taumbayan na pumili ng kanilang mga magiging lider.

 

 

Nais naming makadaupang-palad ang ating mg kababayan alinsunod sa kagustuhan nilang mas lalo pa kaming makilala bilang mga kandidato, sa halip na kami ay malayo sa kanila, at sa pamamagitan ng prosesong pang-elektoral, magkaroon ng pagkakaisa tungo sa isang pagnanais kung ano ang kahihinatnan ng bansa.

 

 

Kasama kami sa kagustuhan ng ating mga kababayan na magkaroon ng isang diwa ng pagsasama-sama at mananaig sa umiiral na bangayan at personal na ambisyon, upang yakapin ang pagkakaisa para sa ikabubuti ng lahat, na hindi lamang mga kataga o bukambibig pampulitika.

 

 

Kami ngayo’ y nangangako:

 

(1) na maninilbihan sa pamahalaan ng kung sinumang mapipili sa amin ng ating taumbayan na magiging susunod a Pangulo, at

 

 

(2) kami ay magsasanib-puwersa upang labanan ang anumang pagtatangka na baluktutin ang totoong pagpapasiya ng taumbayan sa pamamagitan ng mga paggalaw a hindi kanais-nais o di kaya maglilimita sa malayang pagpili ng ating mga kababayan.

 

 

Hinding-hindi kami magbibitiw sa kampanya. Ang bawat isa sa amin ay magpapatuloy sa aming mga sariling kandidatura upang maging mga karapatdapat a pagpilian g ating sambayanang Pilipino.

 

 

 

Nilagdaan:

 

Senator Panfilo Lacson

Senator Emmanuel Pacquiao

Secretary Norberto Gonzales

Mayor Franciso Isko Domagoso

Senate President Vicente Sotto III

Dr. Willie Ong

Other News
  • Tatay na pumatay sa anak sa Navotas, himas-rehas

    HIMAS-REHAS ngayon ang 61-anyos na lalaki matapos mapatay sa saksak ang kanyang sariling anak sa Navotas City.     Sa ulat ni P/MSg. Allan Bangayan kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, alas-3:45 ng Linggo ng hapon nang magkaroon ng pagtatalo ang kinakasama ng biktimang si alyas “Ryan”, 35 at anak na babae ng suspek […]

  • Bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Kristine, umabot na sa 116 —NDRRMC

    UMABOT na sa 116 katao ang nasawi sa kabila ng pananalasa ng bagyong Kristine (international name: Trami).   Sa pinakabagong National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), makikita na may 116 ang napaulat na nasawi, 10 naman ang validated na habang ang natitirang bilang ay ‘ subject to validation.’   Sinasabing 39 na indbidwal […]

  • Increase sa DOH budget, aprub kay Bong Go

    NANAWAGAN si Senator Christopher “Bong” Go na palakasin pa ang healthcare system sa public hearing ukol sa panukalang 2023 budget ng Department of Health noong Lunes.     Sa pagdinig, binigyang-diin ni Go, chair ng committee on health and demography, ang kahalagahan ng 2023 budget ng DOH para sa pagbangon ng bansa mula sa pandemya […]