• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 subway pa sa NCR, Cavite pinaplantsa ng Pinas, Japan

PINAPLANTSA  na ng Department of Transportation (DOTr) at Japan International Cooperation Agency (JICA) na magtayo pa ng dagdag na 3 hanggang apat na subway sa Metro Manila na mag-uugnay sa Cavite.

 

 

Ayon kay DOTr Secretary Jaime  Bautista, pinaplano ng magkabilang panig ang paglalagay ng dagdag na subway sa Metro Manila para maibsan ang matinding traffic dito.

 

 

Sinabi ni Bautista na ang planong dagdag na subway ay ikokonekta sa Metro Manila Subway Project na kasalukuyang itinatayo sa NCR.

 

 

Anya, magsasagawa pa sila ng masusing pag-aaral hinggil sa naturang plano.

 

 

Inaasahan din ni Bautista na matapos ang Metro Manila Subway Project hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Bongbong Marcos.

 

 

Ang unang subway rail system project sa bansa na may 33 kilometrong haba at may 17 istasyon  ay bahagi ng  “Build Build Build” flagship infrastructure program ng nagdaang administrasyong Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • Paglalagay ng DA ng suggested retail price (SRP) sa sibuyas, suportado ni Speaker Martin Romualdez

    SUPORTADO ni Speaker Martin Romualdez ang paglalagay ng Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) sa sibuyas upang maprotektahan ang mga konsyumer laban sa mga abusadong negosyante na nagmamanipula sa presyo ng mga bilihin.     Una nang inihayag ng DA na sa loob ng linggong ito ipatutupad ang SRP na P150 per […]

  • DFA, idinepensa ang pag-abstain ng Pinas sa UN resolution na nananawagan ng Israel-Hamas ‘humanitarian truce’

    NAGPALIWANAG  si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo  kung bakit nag-abstain ang Pilipinas mula sa pagboto sa United Nations General Assembly (UNGA) resolution na nananawagan ng “immediate, durable, and sustained humanitarian truce leading to a cessation of hostilities” sa pagitan ng Israel at militanteng grupong Hamas.   Ang katuwiran ni Manalo,  hindi kasama sa panukalang resolusyon […]

  • PBBM, nagsagawa ng pangalawang Cabinet meeting via teleconference

    PINANGUNAHAN ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pangalawang Cabinet meeting, araw ng Martes sa pamamagitan ng teleconference.     HIndi ‘physically present’ si Pangulong Marcos sa meeting na isinagawa sa  Presidential Guest House  dahil patuloy siyang nasa isolation  matapos na magpositibo sa COVID-19 testing  noong nakaraang linggo.     Bumuti naman ang kalusugan ng […]