4 suspek sa Degamo slay, ‘kakanta
- Published on March 9, 2023
- by @peoplesbalita
NAGPAHAYAG ng kahandaang magsalita at makipagtulungan ang apat na nadakip na suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at walong iba pa.
Kamakalawa ay naibiyahe na patungong Maynila ang mga suspek at nakatakdang ipasok ng Department of Justice (DOJ) sa Witness Protection Program (WPP).
Unang dinala sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawa sa mga suspek na nagpahayag ng intensyon na maging saksi ng gobyerno habang naiwan sa Philippine National Police (PNP) ang dalawa pa.
“However, early this afternoon, the remaining two respondents likewise expressed their intention to cooperate. Thus, the PNP and NBI have agreed to the turnover of the remaining two respondents,” ayon kay DOJ spokesperson Mico Clavano.
Nasa beripikasyon pa rin ang mga pahayag ng mga respondents habang hindi pa nakukumpirma ang tunay na motibo sa pagpaslang kay Governor Degamo at sa walo pa.
Kaugnay nito, sinampahan na ng tatlong bilang ng Murder at Frustrated Murder sa Tanjay, Negros Oriental Regional Trial Court ang mga suspek. Nagsampa rin ang pamahalaan ng hiwalay na kaso ng illegal possession of firearms, ammunitions, and explosives.
Kabilang sa mga kinasuhan sina Joric Garido Labrador, Joven Calibjo Javier, Banjie Buladola Rodriguez, Osmundo Rojas Rivero at 12 pang hindi nakikilala.
Patuloy na nananawagan ang DOJ at DILG sa publiko na may impormasyong makakaresolba sa kaso na makipag-ugnayan sa kanila upang mapabilis ang paghahatid ng hustisya sa mga biktima.
Samantala, sinampahan kahapon ng kasong multiple murder ng PNP-Criminal Investigation Group sa DOJ si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. at limang iba pa kaugnay ng mga umano’y patayang nangyari sa lalawigan noong 2019.
Batay sa reklamong inihain ng PNP-CIDG, sina Teves ay sinasangkot sa pamamaslang umano noong Marso 25, 2019 malapit sa Siliman Medical Center, sa Dumaguete City; Sitio Labugon, Brgy. Nago-alao, Basay, Negros Oriental, Mayo 26, 2019; at sa Brgy Malabugas, Negros Oriental, Hunyo 23, 2019. (Daris Jose)
-
80% kaso ng P.3 variant natukoy sa Central Visayas
Mula sa Central Visayas ang malaking bahagi ng COVID-19 P.3 variant na unang natukoy sa Pilipinas. “Of the 98 cases that we have detected to be positive for the P.3 variant, I think 80 percent were coming from Region 7,” ayon kay Department of Health-Epidemiology Bureau head Dr. Alethea de Guzman. […]
-
Pacman, nanumpa bilang miyembro Multi-Sector Advisory Board ng ng Ph Army
Pormal nang nanumpa bilang bagong miyembro ng Multi-Sector Advisory Board ng Philippine Army (PA) si Senator Manny Pacquiao. Si Lt Gen. Gilbert Gapay, commanding general ng Philippine Army, ang nanguna sa event kasama sina M/Gen. Reynaldo Aquino, PA Vice commander, at Lt. Col. Roy Onggao, Army Chief Chaplain. Nagbigay ng kanyang mensahe ang […]
-
Economic team, nakakita ng pag-asa sa gitna ng multiple challenges
MAHAHARAP ang incoming administration sa “multiple challenges” kapag nagsimula nang gampanan nito ang tungkulin sa Hunyo 30. Subalit, ang malakas na fundamentals at malinaw na macroeconomic prospects ang nakapagbigay ng lugar para sa pag-asa,” ayon sa briefer na natipon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa itinalaga nitong economic team. […]