• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 TIMBOG SA DRUG BUY BUST SA CALOOCAN, VALENZUELA

APAT na hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang online seller ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela Cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) hinggil sa umano’y pagbebenta ng illegal na droga ni Miguel Cantos, alyas “Migs”, 20, (Pusher) kaya isinailalim ito sa isang linggong validation.

 

 

Nang makumpirma ang ulat, isinagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO ang buy bust operation sa C4 Road, Brgy. 49, Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Cantos, kasama si Justin Merdigia, 28, online seller dakong alas-2 ng madaling araw.

 

 

Narekober sa mga suspek ang tinatayang nasa 400 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana with fruting tops na may standard drug price P48,000.00, buy bust money na 1 tunay na P500 bill at 4 pirasong P1,000 boodle money at isang kulay puting Toyota Rush.

 

 

Dakong alas-5 naman ng Miyerkules ng madaling nang maaresto din ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Ramchrisen Haveria Jr, sa buy bust operation sa A. Fernando St., Brgy. Marulas, Valenzuela city si Ariel Laureta, 50, welder, at kanyang pinsan na si Arthur Laureta, 47, welder.

 

 

Ani SDEU investigator  PCpl Christopher Quiao, narekober sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 5 grams ng hinihinalangs shabu na may standard drug price P34,000, P500 buy bust money, smart phone at coin purse. (Richard Mesa)

Other News
  • Tentative list ng mga kandidato para sa 2022 polls inilabas na ng Comelec

    Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ngayong araw ng Biyernes, Oktubre 29, ang tentative list ng mga kandidato para sa national at local elections sa 2022.     Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na maari nang makita ang tentative list ng mga kandidato para sa halalan sa susunod na […]

  • Donaire may improvements na ginawa sa rematch nila ni Inoue

    NANINIWALA si Filipino boxer Nonito Donaire Jr na mas marami na improvements ilang linggo bago ang muling paghaharap niya kay Naoya Inoue sa Hunyo.     Nasa Japan na kasi ang ‘The Filipino Flash’ para sa paghahanda sa laban kay Inoue.     Itinuring kasi na “Fight of the Year” ang laban nilang dalawa noong […]

  • Ads September 15, 2021