4 TSINONG MANDARAGAT, DINAMPOT NG MARITIME GROUP
- Published on July 30, 2020
- by @peoplesbalita
INARESTO ng Maritime Group ang apat na Tsinong mandaragat nang mamataan silang bumababa sa kanikang sasakyang pandagat sa Navotas Fish Port Complex.
Kinilalani Col. Ricardo Villanueva, hepe ng Regional Maritime Unit-National CapitalRegion Office (RMU-NCR) ang apat na naaresto na si Huang Yongjie, 42; DaiShiwen, 56; Yafeng Zhou, 47; at Tan Riyang, 47, pawang ng Guangdong, China.
Ayon kay Col. Villanueva, alas-7:45 ng umaga, nagsasagawa ng foot patrol at policevisibility ang team ni Maj. Rommel Sobrido at Capt. Randy Ludovice Pier 2 saloob ng complex nang mamataan nila ang apat na dayuhan na bumaba sa kanilang vessel at nang wala silang maipakitang kaukulang papeles ng kanilang pagkakilanlan at pakay ay inaresto sila.
Sinabi ni Villanueva, dinodoble nila ang kanilang monitoring capability sa gitna ng COVID-19 pandemic upang masuri ang bawat indibidwal, Pilipino man o dayuhan, na pumapasok sa ating katubigan.
Inisyuhan ng Task Force Disiplina ng ordinance violation receipt ang apat dahil sa kabiguang magpakita ng quarantine pass bago sila ipinasa sa the Philippine Coast Guard.
Nang suriin sa Bureau of Immigration ay nalamang ang apat na Tsino ay halos isang taon na sa kanilang sasakyang pandagat habang hinihintay na ma-renew ang kanilang seafarer’s passport.
Nauna rito, dinakip din ng RMU-NCR ang tatlong mangingisda na sakay ng ‘FBCA Maurene Clarisse’ na si Leonito Estrada Jr., 33; Danilo Bacsal, 47; at Jun de Guzman, 29, pawang mga residente ng Navotas nang mabulagang nangingisda sa restricted area at gumagamit ng ‘active gear’ na ipinagbabawal sa ilalim ng batas. (Richard Mesa)
-
PBBM, magpapaabot ng tulong sa mga manggagawang tinamaan ng EL Niño
Makatatanggap ng financial assistance mula sa gobyerno ang mga manggagawa sa agrikultura at iba pang sektor na labis na naapektuhan ang kanilang pananim at iba pang ‘sources of income’ ng El Niño phenomenon. Bahagi ito ng nagpapatuloy na aid program ng pamahalaan sa gitna ng nagpapatuloy na tag-tuyot. “Sa susunod na araw ay magpapaabot tayo […]
-
Lolo na wanted sa statutory rape, timbog sa manhunt ops sa Valenzuela
HIMAS-REHAS ang 68-anyos na lolo na wanted sa tatlong bilang ng kasong statutory rape matapos matunton ng pulisya sa kanyang tinitirhan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si […]
-
Napatunayang maling-mali ang mga balita… JESS, hangang-hanga sa husay at kabaitan nina DINA, PINKY at CARMINA
SA pagtatapos sa Sabado ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ sa ere, tinanong namin kay Jess Martinez, isa sa mga cast members ng serye bilang si Diwata, kung kumusta ang naging journey niya sa naturang GMA teleserye. Lahad niya, “Yung expectations ko kasi before is parang it’s gonna go well lang, kasi nga I’m with […]