• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 tulak nalambat sa Navotas drug bust, P450K shabu nasamsam

SHOOT sa selda ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.

 

 

Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ni alyas Jomar, 30, ng Brgy. Daanghari kaya isinailalim nila ito sa validation.

 

\

Nang positibo ang report, agad bumuo ng team si P/Capt. Luis Rufo Jr., saka ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at sa kanyang kasabwat na si alyas Marvin, 42, dakong alas-12:33 ng hating gabi sa M. Naval St. Brgy. San Roque.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang aabot 55.84 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P379,712.00 at buy bust money na isang P1,000 bill, kasama ang dalawang P1,000 boodle money.

 

 

Nauna rito, ala-1:34 ng madaling araw nang madakma naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation din sa M. Naval St., Brgy. San Roque ang dalawa pang tulak na sina alyas Olive, 48, at alyas Sonny, 50, kapwa ng lungsod.

 

 

Ani Capt. Rufo, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.57 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P71,876.00 at buy bust money.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Navotas police sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng iligal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Pinoy na dumanas ng gutom dumami – SWS

    TUMAAS sa 14.2 percent ang bilang ng mga ­pamilyang Pinoy na dumanas ng gutom sa bansa, batay sa latest survey na naipalabas ng Social Weather station na ginawa noong March 2024.       Ang naturang porsyento ay mataas sa 10.7 percent annual hunger rate noong 2023 ng mga pamilyang gutom at walang makain.   […]

  • Donaire aminadong nayanig kay Inoue

    INAMIN ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire na bukod tanging si Japanese fighter Naoya Inoue ang naglatag ng pinakama­lakas na suntok na kanyang tinamo sa kanyang buong boxing career.     Lumasap si Donaire ng second-round knockout loss kay Inoue para ipaubaya na ang kanyang World Boxing Council (WBC) bantamweight belt kamakalawa ng gabi sa […]

  • Laban sa New Zealand sa FIBA Asia, malaking hamon sa Gilas – Brownlee

    INAASAHAN na magiging mabigat kaagad ang magaganap na unang laro ng Gilas sa second window ng FIBA Asia Cup qualifiers sa darating na Nobyembre 21, sapagkat makakatapat nila ang New Zealand ayon kay Justin Brownlee.     Ang makakalaban nilang team na Tall Blacks ang matatandaang tumalo sa team ng Pilipinas noong nakaraang taon sa […]