40 days na pagdarasal para sa halalan inilunsad ng CBCP
- Published on March 29, 2022
- by @peoplesbalita
INILUNSAD ngayong araw ng Caritas Philippines, ang social arm ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang “I Vote God” ang “40 days of Prayer and Discernment” para sa May 9, 2022 elections.
Layon ng nasabing programa ay para gabayan ang mga botante ganon din ang mga mananampalataya sa tamang pagpili ng mga kandidato.
Pinangunahan ni Monsignor Antonio Labiao Jr., ang executive secretary ng Caritas Philippines kasama si Fr. Victor Carmelo Diola ang chairman ng Dilaab Philippines, isang non-profit organization na nagsimula pa noong 2000 na naglalayon sa pagtulong sa mga mahihirap na mamamayan.
Nagbigay din ng mga virtual messages sina Bishop Colin Bagaforo ng Diocese ng Kidapawan at ang national director ng Caritas Philippines, ganon din si Catholic Bishop Conference of the Philippines president at Bishop Pablo Virgillo David.
Sinabi ni Father Labiao na kanilang iikutin ang mga parishes sa bansa para hikayatin ang mga tao sa tamang paraan ng pagpili.
Hindi aniya sila titigil sa pagsusulong ng tamang pagpili ng nararapat na kandidato sa halalan.
“Ang importante na ang voters natin makilala nila nang lubos kung sino ‘yong mga kandidato para hindi lang tayo nagboboto dahil inutusan tayong bumoto at dahil lang nakuha natin sa social media,” ani Father Labiao.
-
Gilas Pilipinas nananatili sa ranked 34 sa FIBA World Ranking
Napanatili ng Gilas Pilipinas ang kanilang pang-34 na puwesto sa FIBA World Ranking. Inilabas ng FIBA ang world rankings matapos ang matagumpay na panalo ng Gilas sa New Zealand 93-89 ganun din sa Hong Kong sa score na 93-54. Dahil sa nasabing panalo ay tiyak na ang pagpasok nila sa FIBA […]
-
Ads March 29, 2025
-
Magparehistro para sa 2022 elections – Comelec
Nagpaalala kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na magparehistro na, lalo’t 4 na buwan na lang bago ang deadline para rito. Target ng komisyon na magkaroon ng 7 milyong bagong rehistradong botante pero nasa 2.8 milyon pa lang ang bilang ng mga nagpaparehistro mula Abril 30. Sa Setyembre 30 nakatakda ang […]