40-K sundalo idi-deploy ng AFP nationwide para magbigay seguridad
- Published on May 2, 2022
- by @peoplesbalita
MAHIGIT 40,000 personnel ang ide-deploy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa buong bansa para tumulong sa pagbibigay seguridad sa araw ng halalan sa May 9,2022 national and local elections.
Ayon kay AFP spokesperson Col. Ramon Zagala, ang deployment ng mahigit 40,000 sundalo sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ay para imonitor ang 14 na siyudad at 105 na mga bayan na tinukoy bilang mga “election areas of concern” at ang mga ito ay nasa highest red category.
Dagdag pa ni Zagala na, lahat ng mga area commands ay nagdagdag ng mga tropa pero ang bilang ay depende sa pangangailangan.
Naglabas na rin ng direktiba si AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino kung saan kanilang i-adopt ang dalawang modes ng operation para sa nalalapit na halalan.
Ito ay ang election mode kung saan tutukan na ang lahat ng kanilang election duties at tasks at combat mode layon nito para ma-suppress ang lahat ng mga threat groups at lawless groups na posibleng maghasik ng karahasan sa araw ng halalan.
Pinaalalahan naman ni Col. Zagala ang lahat ng mga AFP personnel na manatiling non-partisan para mapanatili ang integridad at tiwala ng publiko sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Binigyang-diin ng opisyal na walang miyembro ng AFP ang pwedeng mag-engage sa anumang partisan political activity, dahil ang tanging karapatan ng mga sundalo ayon sa Konstitusyon ay bumoto. (Daris Jose)
-
“IN THE HEIGHTS” REVEALS VIBRANT, ROUSING NEW TRAILER
THE time has come to turn up the volume! Check out the new trailer of Warner Bros.’ “In the Heights” and watch the film soon in Philippine cinemas. Facebook: https://www.facebook.com/137782652917951/videos/254440376355048 Instagram: https://www.instagram.com/tv/CMa2g6ZiHTa/ YouTube: https://youtu.be/Q0TRzLgKjlI About “In the Heights” The creator of “Hamilton” and the director of “Crazy Rich Asians” invite you to […]
-
3×3 tourney aprub sa PBA
INAPRUBAHAN na ng Philippine Basketball Association (PBA) Board of Governors ang professional league men’s basketball 3×3 tournament, nabatid kahapon kay tournament chairman Richard ‘Dickie’ Bachmann ng Alaska Milk. Aantayin ng liga ang permiso mula sa Inter Agency Task Force (IATF) para sa balak na three-conference format para sa unang taon nito. […]
-
Pag-angkat ng sibuyas, aprub na – DA
TULOY na ang pag-aangkat ng Pilipinas ng sibuyas. Ito ang sinabi ni Agriculture spokesman Rex Estoperez makaraang aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang importasyon ng 21,060 metrikong tonelada ng sibuyas. Sinabi ni Estoperez na nilagdaan na ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban ang importasyon ng fresh yellow and red onion. […]