• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4,084 bagong pasyente na tinamaan ng COVID-19 sa PH; 21 labs bigong magsumite ng datos sa DOH

Maraming mga COVID laboratory ang nabigong makapagsumite ng kanilang mga datos na umaabot sa 21 dahil sa pagiging holiday nitong nakalipas na wekeend.

 

 

Meron ding dalawang mga laboratoryo ang hindi operational.

 

 

Kaya naman ang datos sa bagong mga kaso na nahawa sa coronavirus sa boung Pilipinas sa daily tally ng Department of Health (DOH) ay mas mababa kumpara sa nakalipas na araw ng Linggo na 4,600.

 

 

Naitala ng DOH ang nadagdag na bilang ng mga pasyente sa 4,084.

 

 

Ang kabuuang mga dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 2,855,819.

 

 

Samantala, mayroon namang naitalang 497 na mga bagong gumaling.

 

 

Ang mga nakarekober sa virus ay umaabot na sa 2,779,241.

 

 

Habang may nadagdag na 16 na mga pumanaw na pasyente.

 

 

Ang death toll sa bansa dahil sa deadly virus ay umaabot na sa 51,586.

 

 

Nagpaliwanag naman ang DOH na batay sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng nabanggit na 23 laboratoryo ay humigit kumulang 5.1% sa lahat ng samples na nai-test at 5.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

 

 

Iniulat naman ng ilang eksperto na napansin ang patuloy na pagtaas ng ICU bed occupancy sa NCR na ngayon ay nasa 29 percent, samantalang noong December 26 ng nakalipas na taon ay nasa 17 percent lamang. (Daris Jose)

Other News
  • Pinas, handa na sa pagtanggap ng mga fully vaxxed foreign tourists-DOT

    HANDA na ang Pilipinas na tumanggap ng mga fully vaccinated international travelers simula sa Pebrero 10, 2022.     Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na naghahanda na ang sektor para sa kaganapang ito simula nang isara ang mga borders noong 2020.     Dalawang taon sa pandemya, sinabi ni Puyat na karamihan sa mga […]

  • Women’s softball team kauna-unahang koponan na nasa Japan

    Nauna ang women’s softball team ng Australia na mga international athletes na dumating sa Japan para sa Olympics.     Dadalo muna sa training camp sa Ota City ang koponan bago lumipat sa Athletes’ Village sa Tokyo sa Hulyo 17.     Lahat aniya ng mga miyembro nito ay naturukan na ng COVID-19 vaccine at […]

  • ‘Sign of love’ sa kapatid na pumanaw: ELIJAH, nagpa-tattoo para ‘di nila makalimutan si JM

    PARA hindi makalimutan ni Elijah Canlas ang kanyang pumanaw na kapatid na si JM Canlas, nagpalagay ito ng tattoo na ang design ay ang trademark thumbs up pose ni JM.      Pati raw ang isa nilang kapatid na si Jerom ay nagpalagay din ng tattoo.     Sign of love daw nila ito para […]