41 close contacts ng ‘Indian variant’ cases, mino-monitor na: DOH
- Published on May 17, 2021
- by @peoplesbalita
Binabantayan na ng Department of Health (DOH) ang sitwasyon ng 41 pasahero na “close contacts” ng dalawang Pilipinong nag-positibo sa B.1.617 o “Indian variant” ng COVID-19 virus.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, mayroong anim na close contacts ang unang kaso na galing Oman. Habang 35 ang close contacts ng ikalawang kaso na galing naman ng United Arab Emirates.
Parehong seaman ang mga nag-positibo sa Indian variant, na umuwi ng Pilipinas bago ipinatupad ang travel ban sa India.
“Tini-trace na natin itong mga kababayan natin na nakasama sa eroplano. We are tracing all of them and check all of their statuses.”
Sa ilalim daw ng protocol ng ahensya, itinuturing bilang close contacts sa eroplano ang apat na pasaherong nakaupo sa harap, likod, at gilid ng isang nag-positibo sa sakit.
Nilinaw naman ni Vergeire na dumaan sa panuntunan na mandatoryong testing at quarantine ang naturang close contacts pagdating nila ng bansa.
“They were either tested on the fifth or sixth day and they have completed yung quarantine nila on the national and local government level,” ayon sa opisyal.
“The protocols were followed and hopefully hindi tayo nagkaroon ng breach sa protocols para masabi na mayroon tayong danger sa ating mga kababayan.”
Batay sa datos ng DOH, taga-Soccsksargen at Bicol region ang dalawang seaman na nag-positibo sa COVID-19 Indian variant. (Gene Adsuara)
-
Mahigit sa 400 umano’y recipients sa listahan ng mga benepisyaryo ng confidential funds walang record sa PSA
MAHIGIT sa 400 umano’y recipients sa listahan ng mga benepisaryo ng confidential funds na ipinamahagi Department of Education (DepEd) na pinamumunuan noon ni Vice President Sara Duterte ay walang birth records, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA). inihayag ito ni Manila Rep. Joel Chua, chairman ng House Committee […]
-
Malaking sunog naitala sa New York matapos ang pagbangga ng oil tanker sa gusali
NAGDULOT ng malawakang sunog ang pagbangga ng oil tanker sa isang gusali sa Long Island, New York. May laman na 9,200 gallons ng gasolina ang truck ng mawalan ng control ang driver at ito ay bumangga sa Rockville Center. Bumaligtad ang truck bago bumangga sa bakanteng establishemento. Umabot pa […]
-
49% ng mga Pinoy nagpahayag na mas bumuti ang lagay matapos ang COVID -19 pandemic
HALOS kalahati ng mga Filipino ang nakaramdam ng pagbuti ng buhay kumpara noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic. Ito ang lumabas sa report na may titulong “Cost of Living Monitor” ng market research company Ipsos. Lumitaw sa isinagawang survey mula Oct. 25 hanggang Nov. 9, na 49% ng mga Pinoy ang nagpahayag […]