• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

44 close contacts ng Omicron subvariant, natukoy

UMABOT  na sa 44 indibidwal ang natukoy na ‘close-contacts’ ng unang Omicron BA.2.12 case na isang babaeng Finnish na bumisita sa Baguio City, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na agad silang nagkasa ng ‘contact-tracing’ makaraang matukoy ang naturang kaso ng Omicron variant.

 

 

Dito lumabas na siyam ang naging ‘close contacts’ sa Quezon City, lima sa Benguet at 30 na mga kasamahang pasahero sa eroplano na sinakyan ng pasyente patungo sa Maynila.

 

 

Ipinaliwanag ng opis­yal na hindi na isinailalim sa ‘routine isolation’ sa quarantine facility ang naturang Finnish national dahil sa ‘fully vaccinated’ naman siya laban sa COVID-19 at walang sintomas na nakita nang dumating siya sa bansa noong Abril 2.

 

 

Nabatid na nag-lecture sa isang unibersidad sa Baguio City ang naturang unang kaso. Nakarekober naman na ito matapos ang pitong araw na isolation at nakalabas na ng bansa noong Abril 21 pa. (Daris Jose)

Other News
  • Type din niya ang malaking biceps ng ka-loveteam: BARBIE, gustung-gusto ang pagiging maalaga ni DAVID

    TINANONG si Barbie Forteza kung ano ang mga qualities ni David Licauco ang gusto niya.       Lahad ng Kapuso actress, “Ang mga gusto kong qualities ni David, yung ahhh… pag-aalaga niya sa akin ‘pag kami lang dalawa.       “Yung kapagka kunyari, actually isa nga sa mga naalala kong memorable na eksena, […]

  • Riding-in-tandem criminals yayariin ni Duterte!

    TATAPATAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga riding-in-tandem criminals sa bansa sa pamamagitan nang pagbili ng mabibilis na motorsiklo.   Sa kanyang mensahe sa bayan kamakalawa ng gabi, pinuna ng Pangulo ang pagtaas ng kriminalidad matapos luwagan ang ekonomiya na sinasamantala naman ng mga tandem o mga magka-angkas sa motorsiklo na gumagawa ng krimen.   […]

  • Curry, nagbuhos ng 41-pts upang itumba ng Warriors ang Pelicans

    Lumakas pa ang tiyansa ng Golden State Warriors na makahabol sa NBA playoffs matapos na itumba ang New Orleans Pelicans, 123-108.     Sa ngayon nasa Western Conference play-in position ang Warriors sa labas ng top six na mga teams habang meron na lamang pitong games na nalalabi.     Inaasahang dalawa pang games ay […]