• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

44 na ang sugatan, 18,000 pamilya ang apektado matapos ang malakas na lindol sa Abra

UMAKYAT  na sa 44 katao ang napaulat na nasugatan matapos tumama ang malakas na magnitude 6.4 na lindol sa lalawigan ng Abra at sa ibang parte ng Northern Luzon.

 

 

Ayon sa latest report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 32 katao ang naitalang sugatan mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) at 12 mula sa Ilocos region.

 

 

Sa kabutihang palad walang naitala na nasawi at nawawala dahil sa lindol.

 

 

Sa ngayon, nasa mahigit 18,000 pamilya o 61,514 indibdiwal mula sa mahigit 200 barangays sa Ilocos region at CAR ang apektado sa lindol.

 

 

Nasa 22 pamilya o 76 na indibidwal naman ang nasa evacuation center habang ang iba ay nanunuluyan pansamantala sa kanilang kamag-anak at kaibigan.

 

 

Mayroon namang mahigit 1,800 na kabahayan ang nasira sa Ilocos region, Cagayan Valley at sa CAR.

 

 

Umaabot naman na sa P57.7 million ang pinsala sa sektor ng imprastruktura sa Ilocos, Cagayan Valley at Cordillera.

Other News
  • KYLIE at ANDREA, naniniwala na importante ang ‘trust and respect’ sa isang relasyon; social media celebrity couple sa rom-com series sa ‘BetCin’

    MAGSISIMULA na ang newest WeTV Original rom-com series na BetCin sa WeTV ngayong Oktubre 15 sa ganap na ika-walo nang gabi.     Gaganap bilang social media celebrity couple sina Kylie Padilla at Andrea Torres na tila may halos perpektong relasyon, pagdating sa online.     Sa likod ng mga filtered posts, hindi ganoon kadali […]

  • Valenzuela LGU nagbigay ng dagdag na 25 bagong dump trucks sa WMD

    SA matatag na pangako na pahusayin ang kalidad ng buhay ng bawat Pamilyang Valenzuelano at pagpapanatili ng kalinisan, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang blessing at turnover ceremony ng 25 bagong dump trucks para sa Waste Management Division (WMD) na ginanap sa 3S Center Mapulang Lupa, Lunes ng umaga.     Ang pananaw ni Mayor WES na […]

  • Na-stun ni Carlo Paalam ang top seed para makakuha ng ginto sa Asian Elite boxing

    MULI ang OLYMPIAN na si Carlo Paalam para sa Pilipinas, na nasungkit ang ginto sa men’s 54 kg class ng ASBC Asian Elite Men and Women’s Boxing Championships na nagtapos noong Sabado sa Amman, Jordan.   Ang Tokyo Olympics silver medalist ay pinalo ng split decision laban sa top seed na si Makhmud Sabyrkhan ng […]