44% ng mga Pinoy umaasang aangat ang buhay sa loob ng 12-mos. – SWS survey
- Published on June 27, 2022
- by @peoplesbalita
Umaasa umano ang nasa 44% ng mga Filipino adults na sila ay naniniwala na kahit papaano ay aangat ang kanilang buhay sa darating na 12 buwan o isang taon.
Ito ay batay naman sa survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) nitong araw.
Sinasabing mula sa 1,440 respondents, nasa 44 percent sa kanila ang nagsasabi na ang quality of life ay mas gaganda pa, habang nasa 39 percent naman ang naniniwala na wala pa ring pagbabago at nasa four percent naman sa mga na-survey ang nagsabi na baka lalo pang lumala sa loob ng isang taon.
Umaabot naman sa 13 percent ang hindi nagbigay ng kasagutan.
Ang naturang survey ay isinagawa mula April 19 hanggang April 27 sa pamamagitan ng face-to-face interviews.
Nangyari ang survey bago ang halalan noong May 9.
Sinabi pa ng SWS na ang mga respondents ay adults na may edad na 18-anyos pataas na nagmula sa Balance Luzon, Metro Manila, the Visayas, at Mindanao.
Ang nasabing survey ay nagkataon naman na ang hinihinging pananaw sa mga kababayan ay sa papasok na bagong gobyerno sa ilalim ng Marcos administration.
-
Self-rated poverty, bahagyang mas mataas sa Q3 2024 — SWS
MAS MARAMING Pinoy ang ni-rate ang kanilang sarili bilang “mahirap” sa third quarter ng 2024, base sa survey na ginawa ng Social Weather Stations (SWS) mula Sept. 14 hanggang 23. Sa inilabas na report ng SWS, araw ng Miyerkules, Oktubre 9, natuklasan ng SWS na may 59% ng mga pamilyang Filipino ang kinokonsidera ang […]
-
Kahalagahan ng PiliPinas Forum 2022, ipinaliwanag ng Comelec
IPINALIWANAG ni Comelec Commissioner George Garcia ang kahalagahan ng kanilang isasagawang PiliPinas Forum 2022 ngayon sa pakikipagtulungan sa Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP). Ito ay sa matapos na i-anunsyo ng komisyon na anim sa sampung presidentiables habang apat naman sa siyam na vice presidentiables ang kumpirmadong makikilahok sa nasabing forum. […]
-
DOJ buo ang tiwala sa NBI kaugnay inihaing laban kay Teves
BUO ang tiwala ng Department of Justice sa National Bureau of Investigation kaugnay ng inihaing patong patong na reklamong murder, frustrated murder at attempted murder kay suspended Negros Oriental 3rd District representative Arnolfo Teves Jr. Ayon Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, dalawang buwan itong pinag-aralan ng National Bureau of Investigation kaya naman raw […]