45 BI personnel, sinibak sa serbisyo
- Published on June 15, 2022
- by @peoplesbalita
IKINATUWA ng Malakanyang ang naging desisyon ng Office of the Ombudsman na tuluyan nang sinibak sa serbisyo ang lahat ng tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nasangkot sa kontrobersyal na “Pastillas Scheme” na siyang sinasabing dahilan sa pagdami ng mga ilegal na Chinese na nakapasok sa Pilipinas.
Sa isang kalatas, sinabi ni acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na welcome sa Malakanyang ang desisyon ng Tanggapan ng Ombudsman dahil ipinapakita lamang nito ang “zero-tolerance policy against corruption in the bureaucracy” ng pamahalaan.
“The recent decision of the Office of the Ombudsman dismissing immigration employees in connection with the pastillas scam underscores that there are no sacred cows in the Duterte Administration,” ayon kay Andanar.
Gayunman, batid naman ni Andanar, na nananatiling isang malaking hamon ang korapsyon sa gobyerno.
Aniya, “the government is mandating automation and digitalization in government processes and transactions in the collection of fees to combat widespread corruption.”
“We are, therefore, pushing for automation of government systems to avoid face-to-face contact and at the same eliminate redundant processes, for effective and efficient delivery of government services,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, sinabi ni DOJ Assistant Secretary Neal Bainto na lahat ng immigration personnel na nahaharap sa kasong graft sa Sandigan ay hindi na pumapasok sa kanilang trabaho.
Idinagdag pa nito na tuluy-tuloy pa rin ang paglilinis nila sa nabanggit na ahensya sa pagpapatibay sa pagdisiplina sa mga tauhan nito.
Kasabay naman nito ay nanawagan muli siya sa mga tauhan ng BI na posibleng gumagawa pa rin ng naturang iligal na gawain, na mag-isip-isip na at tigilan na ang ganito.
Matatandaan na 18 tauhan ng BI ang ipinag-utos ng Office of the Ombudsman na matanggal na sa serbisyo sa gobyerno habang nitong Hunyo 6 naglabas muli ng kautusan na tanggalin na sa puwesto ang 45 na immigration personnel na nasangkot dito. (Daris Jose)
-
2 kelot na nasita sa yosi sa Caloocan, isinelda sa baril
HIMAS-REHAS ang dalawang lalaki matapos mabisto ang dalang baril makaraang masita ng mga pulis dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng police visibility patrol ang mga tauhan ng Sub-Station 13 sa Phase 8B, Bagong Silang, Brgy 176, nang maispatan nila […]
-
Kelot tinodas ng riding-in-tandem sa Malabon
DUGUANG humandusay ang katawan ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo habang nakatayo sa harapan ng inuupahang apartment sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan […]
-
1 day a week policy, puwedeng ipatupad ng mga lokal na pamahalaan para mabigyang pagkakataon na makalabas ng bahay ang mga Senior Citizen
IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Local Government Units (LGUs) ang pagpapasya o discretion kung pagbibigyan ang panawagan ng Senior Citizen’s partylist na ikunsidera ang mental at emotional health ng mga Senior Citizen. Bukod pa sa bigyan ang mga ito ng exemption sa implementasyon ng age restriction ng mga hindi pinapayagang makalabas ng bahay. […]