46, napaulat na nasawi dahil sa bagyong Kristine —OCD
- Published on October 26, 2024
- by @peoplesbalita
UMABOT na sa 46 katao ang naiulat na nasawi dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami), ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Patuloy naman ang rescue workers na nakikipaglaban sa mataas na tubig-baha para mapuntahan ang mga residenteng na-trap sa mga bubungan ng kani-kanilang mga bahay habang patungo na sa karagatan ang direksyon na binabagtas ng bagyong Kristine.
“Many are still trapped on the roofs of their homes and asking for help,” ang sinabi ni Andre Dizon, police director for the hard-hit Bicol region, sa AFP.
“We are hoping that the floods will subside today, since the rain has stopped.” aniya pa rin.
Sinabi pa rin ni Dizon na ang kakapusan sa rubber boats ay “the greatest challenge” subalit mas marami naman ang paparating na.
Base sa data mula kay OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, karamihan sa mga naiulat na nasawi ay mula sa Bicol Region na may 28, sumunod ang Calabarzon na may 15.
Sinasabing tig-isa ang nasawi na naiulat mula sa Ilocos Region, Central Luzon, at Zamboanga Peninsula.
Sinabi pa ng OCD na may 20 katao ang naiulat na nawawala at pito naman ang naiulat na nasugatan dahil sa nabanggit na bagyo.
Samantala, sa naging talumpati naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagpahayag ito ng pakikiramay sa mga biktima ng bagyong Kristine.
“I would like to express my sympathy for our fellow Filipinos who have become victims by Tropical Storm Kristine. We are grateful for the resilience, leadership and proactive measures undertaken by our local government units which has saved many, many lives,”ang sinabi ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)
-
Villaramor, Uratex puntirya pang-2 korona sa WNBL 3×3
TARGET ng Uratex Dream na binubuo nina Alyssa Villamor, Kaye Pingol, Tina Deacon at Angel Anies ang pangalawang sunod na korona. Sa pagsiklab ito ng 1st Women’s National Basketball League (WNBL) 2022 3×3 second leg na sasalihan ng 10 koponan at nakatakdang drumibol umpisa sa Pebrero 26 sa Hoopla Gym ng Angelis Resort […]
-
Health protocol violators, tumaas kasunod ng pagluluwag sa restriksyon sa NCR
TUMAAS pa ang bilang ng mga indibidwal na lumalabag sa mga ipinatutupad na health protocols sa Metro Manila, lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown. Ito ay kasunod ng pagbababa sa Alert Level 1 sa buong National Capital Region (NCR). Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Felipe […]
-
Sirkulasyon ng pekeng pera at iba’t ibang modus ngayong Christmas season, ibinabala ng Philippine National Police sa publiko
TODO ngayon ang paalala ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na mag-ingat sa sirkulasyon ng pekeng pera maging ang iba’t ibang modus ngayong holiday season. Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, tuwing sasapit naman ang Pasko at Bagong Taon ay nagkalat na ang iba’t ibang modus ng mga masasama ang […]