• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

460,000 Overseas Filipino, napauwi na ng DFA dahil sa Covid-19 simula 2020

MAHIGIT 460,000 Overseas Filipino ang napauwi na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Pilipinas.

 

 

Ang mga pinauwing OFWs ay mula sa iba’t ibang bansa. Nagsimula ang Pilipinas na ibalik ang mga distressed Filipino simula noong 2020.

 

 

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola, pumalo na sa 460,383 overseas Filipino ang nakabalik na ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA)-facilitated repatriation program “as of May 31.”

 

 

Ang kabuuang repatriated nationals ay kinabibilangan ng 354,382 land-based overseas Filipinos at 106,001 seafarers.

 

 

Sa kabilang dako, nagsasagawa naman ang DFA ng “separate round” ng repatriation para sa mga Filipino sa Sri Lanka na apektado ng nagpapatuloy na krisis sa ekonomiya sa foreign country.

 

 

“As of May 31,” may kabuuang 25 Filipino, kabilang na ang 9 na menor de edad ang nagpahayag ng intensyon na umuwi ng Pilipinas.

 

 

Inaasahan naman na darating ang mga ito sa Pilipinas “either this coming weekend or early next week,” ayon kay Arriola.

 

 

Samantala, sa Duterte Legacy Summit, binigyang diin ng DFA ang achievement nito sa pagtatatag ng 8 karagdagang Foreign Service Posts noong 2019 bago ang Covid-19 pandemic, na ‘instrumental’ sa pagtulong na maibalik sa Pilipinas ang mahigit kalahating milyong filipino mula sa iba’t ibang bansa.

 

 

“In the face of an unprecedented global health pandemic, the Department continued to serve the needs of our kababayans, contributing to national efforts in facilitating vaccine procurement, securing humanitarian assistance, and bring home displaced overseas Filipinos,” ayon kay Undersecretary Ma. Theresa Lazaro sa nasabing summit. (Daris Jose)

Other News
  • LTFRB nagsimula nang mamahagi ng fuel subsidy sa mga tricycle drivers

    NAGSIMULA  nang mamahagi ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng fuel subsidies sa mga tricycle drivers mula sa Metro Manila, Central Luzon at Ilocos Region.       Bawat isang kwalipikadong tricycle driver ay makakatanggap ng P1,000 na fuel subsidy mula sa LTFRB. Ang pondo ay mula sa binigay ng Land Bank of […]

  • COVID-19 cases, posibleng pumalo ng 11-K kada araw sa kapatusan ng Marso – experts

    Posible umanong pumalo sa 11,000 ang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa pagsapit ng katapusan ng buwan ng Marso.     Ito ngayon ang lumalabas sa bagong pagtaya o calculation ng OCTA Research group.     Sinabi ni Professor Guido David na base kasi sa reproduction number ay tumaas pa sa 2.03, ibig […]

  • Cong. Tiangco suportado ang panawagan ni PBBM na rebyuhin ang minimum wage

    NAGPAHAYAG ng suporta si Navotas Representative Toby M. Tiangco sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos na rebyuhin ang minimum wage rates sa bawat rehiyon.     Sa kanyang talumpati sa Labor Day, iniutos ni Marcos sa Regional Tripartite Wage and Productivity Boards na “initiate a timely review of the minimum wage rates in their respective […]