470K sasakyan bumibiyahe sa EDSA kada araw – MMDA
- Published on December 5, 2022
- by @peoplesbalita
MAY average na 470,000 sasakyan na ang bumibiyahe ngayon sa EDSA kada araw at inaasahan pang tataas habang papalapit ang Pasko at Bagong Taon, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa kabila nito, sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na maayos pa rin umano ang trapiko sa EDSA na siyang pinakaabalang kalsada sa Metro Manila at maging sa buong bansa.
“Sa ngayon po ‘yung latest count po ng ating mga vehicles ay nasa 470,000 na sa EDSA, which is beyond na po ng pre-pandemic level na 405,000,” ayon kay Artes.
“Pero mas mabilis pa rin naman po ‘yung daloy ng traffic dahil from 11 kilometers per hour, pre-pandemic, ngayon po ay nasa 16 kilometers per hour pa rin tayo,” dagdag pa nito.
Sa kabila nito, hindi pa rin maiiwasan na makaranas ng pagbubuhol ng trapiko ang mga motorista. Ginagawa umano nila ang lahat ng paraan ngayon para mapaluwag ang mga kalsada lalo na at parating na ang holiday rush.
Patuloy rin umano ang ugnayan nila sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para matiyak na nakakalampag ang mga opisyal ng barangay na nakakasakop sa mga Mabuhay Lanes at mapanatili itong walang obstruksyon. (Gene Adsuara)
-
VCMs at mga balotang gagamitin sa May 9 polls, nai-deliver – Comelec
NAI-DELIVER na sa lahat ng polling precincts ang mga vote counting machines (VCMs) at official ballots na gagamitin sa May 9 elections. Sinabi ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino na maliban sa mga VCMs at balota ay naipadala na rin ang mga ballot boxes, Broadband Global Area Network at Consolidated Canvassing System (CSS) kits […]
-
Pacquiao greatest southpaw fighter
Itinuring na greatest southpaw fighter of all time si eight-division world champion Manny Pacquiao matapos ang mahigit dalawang dekada nito sa mundo ng boxing. Ayon kay boxing expert Bert Sugar, hindi maikakaila na si Pacquiao ang pinakamatikas na kaliweteng boksingero sa kasaysayan ng boksing. Bakit nga naman hindi, walong championship belt […]
-
Pinay karateka Junna Tsukii tiwalang makapasok sa Tokyo Olympics
Magtutungo sa Istanbul, Turkey si Japan-based Filipina karateka Junna Tsukii para sa qualifying tournament sa Tokyo Olympics. Lalahok ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist sa Premier League tournament na magsisimula sa March 11. Umaasa ito na makapasok sa top 4 sa Olympic ranking system para tuloy-tuloy na ang pagsabak sa […]