• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

470K sasakyan bumibiyahe sa EDSA kada araw – MMDA

MAY average na 470,000 sasakyan na ang bumibiyahe ngayon sa EDSA kada araw at inaasahan pang tataas habang papalapit ang Pasko at Bagong Taon, ayon sa Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA).

 

 

Sa kabila nito, sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na maayos pa rin umano ang trapiko sa EDSA na siyang pinakaabalang kalsada sa Metro Manila at ma­ging sa buong bansa.

 

 

“Sa ngayon po ‘yung latest count po ng ating mga vehicles ay nasa 470,000 na sa EDSA, which is beyond na po ng pre-pandemic level na 405,000,” ayon kay Artes.

 

 

“Pero mas mabilis pa rin naman po ‘yung daloy ng traffic dahil from 11 kilometers per hour, pre-pandemic, ngayon po ay nasa 16 kilometers per hour pa rin tayo,” dagdag pa nito.

 

 

Sa kabila nito, hindi pa rin maiiwasan na makaranas ng pagbubuhol ng trapiko ang mga motorista. Ginagawa umano nila ang lahat ng paraan ngayon para mapaluwag ang mga kalsada lalo na at parating na ang holiday rush.

 

 

Patuloy rin umano ang ugnayan nila sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para matiyak na nakaka­lampag ang mga opisyal ng barangay na nakakasakop sa mga Mabuhay Lanes at mapanatili itong walang obstruksyon. (Gene Adsuara)

Other News
  • Must Watch: ‘REBOUND’, A Heart Warmingly Inspirational Movie

    Must Watch: ‘REBOUND’, A Heart Warmingly Inspirational Movie THE latest South Korean sports-drama movie, 𝗥𝗘𝗕𝗢𝗨𝗡𝗗 is based on the true story of basketball coach Kang Yang Hyeon and the Busan Jungang High School’s 2012 run to the national championships final in spite of having only six active players and no backup on its team.   […]

  • Pinoy karateka James De Los Santos, grand winner uli sa online karate tourney

    Muli na namang nangibabaw sa buong mundo ang Filipino karateka champion na si Orencio James De Los Santos.   Ito’t mayapos itinanghal si De Los Santos bilang grand winner sa E-Karate Games 2020 kung saan tinalo nito si Wasmuel Wado ng Belgium.   Sa panayam kay Delos Santos, sinabi nito na ito na ang kanyang […]

  • Deployment ng mga pulis dodoblehin ngayong holiday season – PNP chief

    DODOBLEHIN ng Philippine National Police (PNP) ang deployment ng mga pulis ngayong holiday season.   Ito’y bilang paghahanda sa posibilidad na magkaroon ng pagtaas ng kaso ng kriminalidad ngayong holiday season.   Kaya dodoblehin ni PNP Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan ang mga pulis na magbibigay seguridad ngayong darating na pasko at bagong taon.   […]