48% ng Pinoy tiwalang ‘gaganda ekonomiya’ sa sunod na 12 buwan — SWS
- Published on March 11, 2023
- by @peoplesbalita
HALOS kalahati ng mga Pilipinong nasa hustong gulang ang naniniwalang iigi ang ekonomiya sa susunod na taon, ito sa gitna ng lumolobong unemployment rate, record-high na utang at mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Napag-alaman ‘yan ng Social Weather Stations sa isang survey na inilabas, Huwebes, pagdating sa mga inaasahang pagbabago ng publiko sa ekonomiya.
“The Social Weather Survey of December 10-14, 2022… found 48% of adult Filipinos saying the Philippine Economy will improve (termed by SWS as ‘Economic Optimists’), 33% saying it will stay the same (‘Neutral’), and 9% saying it will worsen (‘Economic Pessimists’) in the next 12 months,” wika ng SWS.
Dahil dito, nakakuha ang sample population ng net economic optimism score na +40, na nangangahulugang “excellent.”
Mas mababa ito nang isang puntos kumpara sa +41 noong Oktubre. Nakukuha ang net economic optimism score sa pag-awas ng porsyento ng economic optimists sa porsyento ng economic pessimists.”
“It has been at excellent levels since December 2021, ranging from +40 to +50. It used to be mediocre -9 in July 2020, mediocre -5 in September 2020, and high +24 in November 2020, during the first year of the COVID-19 pandemic,” paliwanag pa ng survey firm.
Kaiba ito sa “net personal optimism,” na siyang sumusukat naman sa kalidad ng buhay ng mga indibidwal.
Narito ang lumabas na net economic optimism ng iba’t ibang bahagi ng Pilipinas batay sa December 2022 survey:
Metro Manila: +47
Mindanao: +46
Balance Luzon: +40
Visayas: +27
Sa kabila nito, bumababa ang naturang bilang sa National Capital Region kumpara noong Oktubre 2022, kung kailan +52 (excellent) ito.
Mula “very high,” naging “excellent” din ito sa Mindanao mula sa dating +32. Bagama’t excellent pa rin, siyam na puntos ang ibinaba ng Balance Luzon mula +49. “Fair” lang ito sa Kabisayaan sa +25.
Napag-alaman ding mas mataas ito sa mga naggugulong nang mas maraming taon sa pormal na pag-aaral.
Iniulat ito kahapon kasabay ng paglabas ng pagtaas ng unemployment rate ng Pilipinas sa 4.8% (katumbas ng 2.37 milyong katao) nitong Enero. Maliban pa ito sa pagsipa ng outstanding debt ng Pilipinas sa P13.7 trilyon sa parehong buwan, ang pinakamataas sa kasaysayan.
Bagama’t bumaba nang konti, halos triple pa rin ang inflation rate ng Pebrero 2023 (8.6%) kumpara sa mga datos noong Pebrero 2022 (3%).
Ikinasa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 katao edad 18-anyos pataas. May sampling error margins itong ±2.8% para sa national percentages at tig-±5.7% para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao. Hindi ito kinomisyon ninuman at ginawa bilang serbisyo publiko.
-
PBBM kinilala ang manggagawa, magsasaka sa National Heroes’ Day
KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magsasaka at mga manggagawang Filipino na tinawag niyang mga makabagong bayani ng kasalukuyang panahon. Sa kanyang talumpati sa paggunita ng National Heroes’ Day sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City, sinabi ni Marcos na naging mas mabuti ang kalagayan ng bansa sa ngayon […]
-
Ads September 28, 2024
-
DA, nagpaliwanag sa pagbaba ng suplay ng kamote sa PH; taas-presyo, pansamantala lamang
NAGPALIWANAG ang Department of Agriculture sa kakulangan ng suplay ng kamote sa Pilipinas. Ayon kay DA Undersecretary Domingo Panganiban, talagang nagkukulang ang suplay ng kamote kapag panahon ng tag-ulan dahil hindi masyadong lalaki ang mga ito. Subalit pagsapit naman aniya ng buwan ng Oktubre, Nobiyembre at Disyembre inaasahan na tataas na […]