49% ng mga Pinoy nagpahayag na mas bumuti ang lagay matapos ang COVID -19 pandemic
- Published on December 14, 2024
- by @peoplesbalita
HALOS kalahati ng mga Filipino ang nakaramdam ng pagbuti ng buhay kumpara noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic.
Ito ang lumabas sa report na may titulong “Cost of Living Monitor” ng market research company Ipsos.
Lumitaw sa isinagawang survey mula Oct. 25 hanggang Nov. 9, na 49% ng mga Pinoy ang nagpahayag na bumuti ang kanilang financial situation kumpara noong unang bahagi ng 2020 o bago mapahinto ng Covid-19 pandemic ang global economic activity.
Sa mga nakaramdam ng pagbuti ng buhay, 17% ang nagsabi na “much better off,” habang 32% naman ang nagsabi na “little better off.”
Sa nasabing Ipsos survey, 22,720 ang nagpartisipa mula sa 32 bansa kabilang na ang Pilipinas na may 500 katao ang nagpartisipa.
“This optimistic outlook in the Philippines exceeds the global average of 37 percent,” ayon sa Ipsos.
Sinabi pa ng Ipsos na 37% mula sa 32 bansa ang nagsabi na sila ay “worse off than before the pandemic”, isang sentimyento na naramdaman sa lahat ng Group of Seven (G7) countries kabilang na ang Canada, France, Germany, Italy, Japan, United Kingdom at Estados Unidos.
Sa Pilipinas, 17% ang nagsabi na sila ay “a little worse off” post-pandemic, habang 7% naman ang naglarawan ng kanilang sitwasyon bilang “much worse off”.
Idagdag pa rito, 25% ang nagsabi na sila ay “neither better nor worse off” kaysa bago ang pandemiya.
Pagdating naman sa pangangasiwa ng personal finances, makikita sa survey na 37% ng mga respondents sa Pilipinas ang iniulat na sila ay “doing alright”, habang 26% naman ang nagsabi na sila’y “just about getting by”.
Sinasabing 9% ang nagpahiwatig na sila’y “living comfortably.” Gayunman, 29% naman ang umamin at nakapansin na “quite difficult” o “very difficult” ang mamahala ‘financially.’
At nang tanungin naman ukol sa inflation, sinasabing 44% ng mga pinoy ang umaasa na aabutin pa ng mahigit isang taon bago ito maging matatag.
Habang 27% naman ang naniniwala na ang inflation ay matatagaaln pa at aabutin pa ng mahigit isang taon bago pa maging normal habang 28% naman ang naniniwala na hindi na ito magiging normal.
-
Kasama ang furnitures at parking space: Posh condo unit ni CARLA, binebenta na ng below market value
MAY Instagram post si Kapuso actress Carla Abellana, na for sale ang kanyang posh condominium unit at The Grove by Rockwell in Pasig City. Kasama na raw sa selling price ang lahat ng furnitures, ganoon din ang parking space na umaabot ng one million pesos. Reportedly, okey din kay Carla kung […]
-
‘Sabay tayo magbitiw sa Comelec’
HINAMON ni Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon si commisioner Aimee Ferolino — kapwa humahawak sa disqualification case ni presidential candidate Bongbong Marcos at ponente nito — na mag-resign kasabay niya ngayong nadadawit sa kontrobersiya ang poll body. Biyernes lang nang sabihin ni Guanzon na may “senador” sa likod ng “unreasonable delay” […]
-
Pinakita ang kanyang six-pack abs… MATTEO, pinaglaway ang mga accla sa social media post
PINAGLAWAY ni Matteo Guidicelli ang mga accla sa social media nang mag-post ito sa kanyang Instagram na kita ang kanyang six-pack abs. Kuha iyon sa pelikulang pinagbibidahan ni Matteo na ‘Penduko’ na official entry ng Viva Films sa 2023 Metro Manila Film Festival. May nag-comment na ang suwerte raw ng misis […]