4K COVID-19 cases kada araw sa NCR ibinabala ng DOH
- Published on December 19, 2020
- by @peoplesbalita
Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na maaaring umakyat sa 4,000 kada araw ang average na kaso ng COVID-19 matapos ang Kapaskuhan.
“Cases in NCR may reach upward of 4,000 per day which may overwhelm our health system capacity to upwards of 80 percent utilization by end of January if we do not act aggressively to halt transmission now,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa virtual briefing .
Posible umanong maulit ang “peak” o pinakamataas na antas ng panganib ng COVID-19 na naranasan noong Agosto kung hindi pag-iibayuhin ang disiplina ngayong Disyembre makaraang matukoy ang unti-unting pagtaas sa mga kaso ngayon.
Mula sa 0.8 RO (Reproduction Rate), umakyat na ito sa 1.6RO sa Metro Manila nitong Disyembre 12 at inaasahang tataas pa. Nakapagtala ang DOH ng 3.27 RO noong Agosto na siyang pinakamataas na antas ng community transmission ng COVID-19 sa bansa.
Siyam na lungsod sa Metro Manila ang nasa ‘moderate risk’ na ngayon kumpara noong Nobyembre nang nasa ‘low risk’ ang lahat ng siyudad. Nangunguna sa mga namonitor ng pagtaas ng kaso ang mga lungsod ng Maynila, Quezon City, Makati City at Pasig City.
Bukod sa NCR, namonitor din ng DOH ang pagtaas ng mga kaso sa Regions I, II, Davao Region at CAR (Cordillera Administrative Region).
“If this trend continues and is not mitigated, it will lead to a sharp spike of cases that might overwhelm our health system capacity, similar to the peak we experienced last August in the NCR. The occurrence of another surge will no longer be a matter of “if” but of “when and by how much,” ayon pa sa DOH.
Ipinaalala ng ahensya na napakalaki na ng pinagdaanan at sakripisyo ng bawat isa para marating ang mababang reproduction rate dahilan para ibaba na rin ang ‘lockdown levels’ ngunit maaaring mabalewala lahat kung ngayon pa lang hindi mag-iingat at magtutulungan ang lahat.
Ibinilin muli ng DOH ang pagsunod sa ‘minimum health standards’ tulad ng pagsunod sa ‘physical distancing’, palagiang pagsusuot ng face mask at shields, at huwag paglabas ng bahay kung hindi naman importante ang pakay. Dapat ding umiwas sa malakihang handaan, kantahan, at pagbisita sa mga kaanak sa selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.
“We have witnessed what a spike in cases might mean to us—the extensive lockdowns and how it has affected our families, our healthcare workers, the small businesses and large enterprises alike, and how it almost, if not completely, paralyzed our economy. We do not want that to happen again,” dagdag ng DOH. (GENE ADSUARA)
-
PROVINCIAL BUSES BALIK BIYAHE NA
BALIK biyahe na simula ngayong araw ang mga provincial bus na papayagan nang bumiyahe, matapos ang halos anim na buwan na pagka garahe ng mga ito. Simula ngayong araw mayroon nang mga bus galing South at North ang bibiyahe sa ilalim ng modified bus routes na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board […]
-
Siguraduhin na ang ‘sabong’ operations ay susunod sa health protocols- DILG
IPINAG-UTOS ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng local government units (LGUs) na tiyakin na ang pagpapatuloy ng cockpit operations at ang pagbabalik ng tradisyonal na “sabong” sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 o o mas mababa pa ay hindi magiging super spreader events ng Covid-19 […]
-
3 most wanted persons, nabitag sa Valenzuela
PINURI ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela City Police sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Salvador Distura Jr sa matagumpay na manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong most wanted persons sa loob lamang ng isang araw. Ani Col. Destura, alinsunod sa kampanya […]