• March 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4Ps na buntis, may anak na edad 0-2, dapat mag-profile update – DSWD

PINAALALAHANAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mga household-beneficiaries na buntis at may anak na edad 0 hanggang 2-taong gulang na mag-profile update upang mapabilang sa roll-out ng First 1000 Days (F1KD) conditional cash grant na karagdang financial support sa ilalim ng 4Ps, sa susunod na taon.

 

 

Ayon kay DSWD 4Ps Social Marketing Division Chief Marie Grace Ponce, mahalagang makapag-update ng profile information ang mga 4Ps beneficiaries na buntis at lactating mother upang sila ay mapabilang sa dagdag benepisyo ng programa.

 

 

Ang F1KD conditional cash grant ay ka­ragdagang financial support sa ilalim ng 4Ps na naunang iminungkahi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. para mabigyan ng dagdag na tulong ang mga household beneficiaries sa unang 1,000 araw ng paglaki ng bata.

 

 

Ang mga beneficia­ries na magpo-profile update ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang city o municipal links upang makapag-fill up ng Beneficiary Updating System (BUS) Form 5 at magsumite ng mga documentary requirements tulad ng birth certificate o local civil registry ng bata, at maaari ring magbigay ng medical certificate o health certificate ng buntis na miyembro na galing sa kanilang Rural Health Unit (RHU) o Barangay Health Station (BHS). (Daris Jose)

Other News
  • Tumigil na rin sa pag-iinom at paninigarilyo: BILLY, nilinaw na hindi droga ang dahilan ng pagpayat

    “HINDI po ako adik!”   Iyan ang bulalas ni Billy Crawford bilang paglilinaw sa mga kumakalat na fake news tungkol sa rason ng pagpayat niya.     Ayon pa kay Billy, “I’m living my life to the fullest right now.”     Noon pa raw siya naiisyuhan tungkol sa kanyang itsura.     “It’s a […]

  • Megaworld may pa-condo sa Olympic gold medalist

    ISANG fully-furnished two-bedroom residential condominium unit ang ibibigay ng property giant Megaworld para sa Pinoy athlete na mananalo ng gold medal sa 2024 Paris Olympic Games.           “This 2024, we are celebrating our 100th year of participating in the Olympic Games, and what a way to celebrate this milestone than by […]

  • Blu Girls dapat nang maghanda para sa 2022 Asiad – Altomonte

    NAKATAKDA na sa Setyembre 10-25, 2022 ang 19th Asian Games sa Hangzhou City, Zhejiang Province, China.     Kaya gusto na ng dating national women’s softball team skipper, catcher at bagong nombrang secretary general ng Amateur Softball Association of the Philippines (ASA-Phil) na pabalikin na sa pag-eensayo ang Philippine Blu Girls.     “The national […]