• June 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4th leg PH Dragon Boat Federation Regatta: Philippine Army Dragon Warriors kampeon!

Ipinagpatuloy ng Philippine Army Dragon Warriors ang kanilang sunod-sunod na panalo ngayong taon matapos maghari sa ikaapat na leg ng Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) Regatta noong Linggo.

 

Nagtagumpay ang Army men sa 200-meter women’s mall boat, 200-meter Standard Mixed board; at 200-meter Standard Open boat categories sa kompetisyon na ginanap sa Dolomite Beach, Manila Baywalk.

 

Minarkahan ang tagumpay ng malinis na pagwalis ng Dragon Warriors sa PDBF Regatta na nagpatuloy noong nakaraang taon matapos ang pagkansela ng mga sporting event dahil sa pandemya.

 

Sinimulan ng Philippine Army ang 2023 sa matagumpay na kampanya sa Mayor’s Cup Spring Festival Dragon Boat Race na ginanap noong Enero 21-22 sa Cagayan de Oro City.

 

Pinamunuan ng Army paddlers ang 1,000-meter Catch the Rabbit Tail Standard Mixed Crew, 300-meter Standard Mixed Crew, at ang 300-meter Standard Open Crew na mga kategorya.

 

May kabuuang 636 paddlers mula sa 17 elite teams sa buong bansa ang lumahok sa pinakamalaking dragon boat race sa Cagayan de Oro.

 

Ang Army Dragon Warriors, isa sa mga founding member ng PDBF, ay naging isang powerhouse team mula nang mag-debut ito sa lokal na dragon boat noong 2010.

 

Nag-uwi sila ng mga gintong medalya noong International Dragon Boat Federation-sanctioned World Dragon Boat Championships sa Italy (2014) at Australia (2016). (CARD)

Other News
  • Five months ginawa ang pinupuring gown na isinuot: HEART, ‘di kataka-taka na itinanghal na Female Sparkle of the Night sa ‘GMA Gala 2023’

    NAPA-EMOTE o napatanong si Pokwang sa kanyang Facebook account.  May kinalaman pa rin ito sa nag-viral na issue ni Lea Salonga sa Pinoy fans na gustong magpa-picture sa kanya sa dressing room sa Broadway. Nag-reply kami sa naging FB post ni Pokwang na, “valid question” naman ang kanyang tanong. Sabi nga niya, love naman niya […]

  • ILANG KALSADA, DI PA RIN MADAANAN-DPWH

    NAG-ABISO sa mga motorista ang Department of Public Works and Highways (DPWH)  na hindi pa rin maaaring madaanan ang walong kalsada habang limitado ang access ng limang pang kalsada dahil sa pagbaha, landslide, bumagsak na tulay at soil collapse o pagguho ng lupa.     Ayon sa Department of Public Works and Highways-Bureau of Maintenance […]

  • Matanggap na kaya ng AlDub fans?: ARJO, bali-balitang anytime soon ay magpo-propose na kay MAINE

    KUNG tama ang nakarating sa aming balita, posible raw na anytime soon ay mag-propose na si Arjo Atayde sa girlfriend na si Maine Mendoza.     Dinismiss agad ng source namin ang thought na baka kaya lang magpu-propose na si Arjo kay Maine dahil tumatakbo ito ngayon bilang Congressman ng Quezon City.     So, […]