• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5.1 milyong botante, dine-activate ng Comelec sa voter’s list; 240K, tuluyang inalis

UMAABOT na sa mahigit 5.1 milyong botante ang dine-activate ng Commission on Elections (Comelec) sa voter’s list habang mahigit 240,000 naman ang tuluyan nang inalis.

 

 

 

 

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, kabuuang 5,105,191 rehistradong botante ang na-deactivate sa opisyal na listahan ng mga botante matapos ang isinagawang ERB hearing noong Abril 15, 2024.

 

 

 

Samantala, nasa 248,972 botante naman ang tuluyan nang natanggal o binura sa listahan.

 

 

“As of April 15, 2024 ERB Hearing

 

 

Deactivated = 5,105,191

 

 

Deleted = 248,972,” ani Garcia, sa isang Viber message.

 

 

Ipinaliwanag ni Garcia na karamihan sa mga tinanggal ay yaong nakumpirmang namatay na.

 

 

Ang iba naman ay natuklasamg may double o multiple registration.

 

 

“‘(‘Yung) natanggal [ay] dahil sa kamatayan [at] multiple at double registration,” ani Garcia.

 

 

Karamihan naman sa mga na-deactivate ay yaong mga hindi nakaboto sa dalawang magkasunod na eleksiyon.

 

 

Mayroon ding ina­lis base sa utos ng hukuman, pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino, at pagkakaroon ng mga di-wastong dokumento.

 

 

Samantala, iniulat naman ni Garcia na nakatanggap ang poll body ng kabuuang 409,329 na aplikasyon para sa reactivation mula Pebrero 12 hanggang Hulyo 20.

Other News
  • Imbestigasyon ng DoJ sa “Bloody Sunday Killings” patas, masinsin at makatarungan – Sec. Roque

    TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na magiging patas ang Department of Justice sa ginagawa nitong imbestigasyon hinggil sa marahas at sabay-sabay na raid ng Philippine National Police (PNP) sa opisina ng ilang aktibista sa rehiyon ng Calabarzon, Linggo, bagay na ikinamatay ng siyam katao.   “We are confident with that probe because no less than […]

  • Sobrang happy sa tagumpay ni Rhea at ng Beautederm: SYLVIA, matagal nang nagpaparinig kina RIA at MAINE na gusto ng magka-apo

    NAGING matagumpay ang Chinese New Year (CNY) party ng negosyanteng si Rhea Anicoche-Tan kasama ang celebrity endorsers na pinangungunahan nina Ms. Sylvia Sanchez, Carlo Aquino at Sam Milby sa Beautéderm Headquarters sa Angeles City.   Sumuporta at nakisaya rin sa event sina Anne Feo, Ynez Veneracion, Councilor Ervic Vijandre, Jhaiho, Kimson Tan, Gillian Vicencio, Sunshine […]

  • CHR, handang makipagtulungan sa ICC ukol sa imbestigasyon sa drug war sa Pinas

    HANDA ang Commission on Human Rights (CHR) na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon nito sa  drug war sa Pilipinas sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.     Gayunman, wala namang ideya at hindi pa alam ni CHR chair Richard Palpal-Latoc kung anong ‘specific cases’ ang titingnan ng ICC. […]