5.2 milyong pamilya, dumanas ng matinding gutom dahil sa COVID-19 – SWS
- Published on July 27, 2020
- by @peoplesbalita
Dumanas ng matinding kagutuman ang may 5.2 milyong pamilyang Pilipino sa nagdaang tatlong buwan dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa Social Weather Station (SWS) survey, sa 1,555 adult Filipinos na tinanong, 20.9 percent ang nagsabing sila ay nagutom dahil wala silang makain.
Ang bilang ang pinakamataas simula noong September 2014 nang 22 percent ng respondents o katumbas ng 4.8 million families ang nakaranas ng gutom, sabi ng SWS.
Sa July survey, 15.8% o may 3.9 million ang nagsabing dumanas sila ng katamtamang kagutuman sa nagdaang 3 buwan habang 5.1 percent o 1.3 million families ang madalas na nagugutom sa nakalipas na tatlong buwan ng pandemic.
Ang pagkagutom ay mataas sa Visayas sa 27.2 percent (1.3 million families), o pagtaas ng12.6% sa nakalipas na survey.
Sinundan ito ng Mindanao sa 24.2% (1.4 million families), Balance Luzon sa 17.8% (2 million families) at Metro Manila, 16.3% (546,000 families).
Ang kagutuman ay mas tumaas sa pamilyang hindi nakatapos ng elementarya (35.6%), sinundan ng mga pamilyang junior high school graduates (20.9%), at college graduates (8.9%).
Ang pandemic ang nagpabagsak sa ekonomiya ng bansa sa unang quarter ng 2020. Ito na ang kauna-unahang pangyayari sa loob ng 22 taon at nagdulot ng pagkawala ng trabaho ng may 7.3 milyong Pilipino. (Daris Jose)
-
Full Trailer For ‘Rob Zombie’s The Munsters’ Reboot Was Recently Released
THE trailer for Rob Zombie’s The Munsters was recently released, and fans of the classic TV series are extremely divided. Set to release in September 2022, the film serves as a prequel and reboot of the original ’60s television show of the same name, which ran for two seasons. Zombie’s prequel follows the […]
-
Bulacan, mas pinaigting ang kampanya at pagbabantay kontra dengue
LUNGSOD NG MALOLOS – Umulan man o umaraw, patuloy pa rin na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Health Office-Public Health (PHO-PH) ang paglaban sa dengue sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ilang mga aktibidad at kampanya upang tuluyang masugpo ang papataas na kaso ng dengue sa lalawigan. Naglabas ng […]
-
KRIS, kinumpirmang naghiwalay na sila ni MEL matapos ma-engage last year; humihingi ng respect and privacy
NOONG Lunes, January 3, kinumpirma ni Kris Aquino ang paghihiwalay nila former Interior Secretary Mel Sarmiento matapos na sila’y ma-engage last October, 2021. Sabi niya, “Sa pinagdadaanan ko ngayon, may tao bang gustong pag–usapan pa ang kanyang paghihiwalay? “But in order for me to be able to peacefully move on, and […]