5.2 milyong pamilya, dumanas ng matinding gutom dahil sa COVID-19 – SWS
- Published on July 27, 2020
- by @peoplesbalita
Dumanas ng matinding kagutuman ang may 5.2 milyong pamilyang Pilipino sa nagdaang tatlong buwan dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa Social Weather Station (SWS) survey, sa 1,555 adult Filipinos na tinanong, 20.9 percent ang nagsabing sila ay nagutom dahil wala silang makain.
Ang bilang ang pinakamataas simula noong September 2014 nang 22 percent ng respondents o katumbas ng 4.8 million families ang nakaranas ng gutom, sabi ng SWS.
Sa July survey, 15.8% o may 3.9 million ang nagsabing dumanas sila ng katamtamang kagutuman sa nagdaang 3 buwan habang 5.1 percent o 1.3 million families ang madalas na nagugutom sa nakalipas na tatlong buwan ng pandemic.
Ang pagkagutom ay mataas sa Visayas sa 27.2 percent (1.3 million families), o pagtaas ng12.6% sa nakalipas na survey.
Sinundan ito ng Mindanao sa 24.2% (1.4 million families), Balance Luzon sa 17.8% (2 million families) at Metro Manila, 16.3% (546,000 families).
Ang kagutuman ay mas tumaas sa pamilyang hindi nakatapos ng elementarya (35.6%), sinundan ng mga pamilyang junior high school graduates (20.9%), at college graduates (8.9%).
Ang pandemic ang nagpabagsak sa ekonomiya ng bansa sa unang quarter ng 2020. Ito na ang kauna-unahang pangyayari sa loob ng 22 taon at nagdulot ng pagkawala ng trabaho ng may 7.3 milyong Pilipino. (Daris Jose)
-
Manibela hihilingin na suspendihin ang PUVMP sa bagong talagang DOTr Sec
HIHILINGIN ng grupong Manibela sa bagong talagang Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na suspendihin ang pagpapatupad ng Public Utility Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan. Ayon sa grupo ay kanilang kakausapin si Secretary Dizon upang ihinto ang nasabing progama at ng maibalik sa kanila ang mga prangkisa ng mga unconsolidated units ng mga jeepney […]
-
Manager na si Wilbert, humingi na ng tulong sa netizens: HERLENE, iniyakan ang nawawalang National Costume para sa ‘Miss Planet International’
INIYAKAN talaga ni Herlene Budol, nang malaman niyang nawawala ang National Costume na gagamitin niya para sa Miss Planet International na gaganapin sa Uganda sa November 19. Narito ang kuwento ni Herlene: “Nakakaiyak ang nangyari na ang National Costume na gagamitin ko, ay mukhang nadisgrasya ng airlines. Pagdating ng airport ayaw ipakarga, kesyo […]
-
Dahil pag-aari ang trademark na ‘Eat Bulaga’ at ‘EB’: TAPE, Inc., sinagot ang reklamong ‘copyright infringement’ ng TVJ
SINAGOT ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc. ang reklamong copyright infringement and unfair competition na inihain laban sa kanila nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon. Sa ulat ng GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, sinabing inihain ng mga dating host ng “Eat Bulaga” ang reklamo sa Marikina Regional […]