5.6 milyong doses ng bakuna mula Pfizer, AstraZeneca parating na
- Published on February 2, 2021
- by @peoplesbalita
Inihayag kahapon ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na parating na ngayong kalagitnaan ng Pebrero ang tinatayang 5.6 milyong doses ng bakuna mula sa Pfizer-BioNTech at AstraZeneca.
Nakapaloob sa liham mula kay Aurélia Nguyen, managing director of the World Health Organization-led COVAX facility, na tatanggap ang Pilipinas ng inisyal na 117,000 doses ng bakuna mula sa Pfizer-BioNTech sa kalagitnaan ng Pebrero para sa unang quarter. Nakatakda pang kumpirmahin ang delivery ng kumpanya para sa mga suplay sa mga susunod na quarters ng taon.
Tatanggap din ang Pilipinas ng mula 5,500,800 hanggang 9,290,400 doses ng AstraZeneca vaccine para sa unang dalawang quarter ng taon.
Nilinaw ni Galvez na ang bilang ng bakunang inilaan sa Pilipinas ay “indicative” at magdi-depende pa sa global supply nito.
Una nang binigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng Emergency Use Authorization (EUA) ang Pfizer-BioNTech at AstraZeneca para ligtas na magamit na ang kanilang mga bakuna sa oras na may suplay na para sa Pilipinas. (Daris Jose)
-
TRUMP PINAPANAGOT ANG CHINA SA COVID-19
SUMIKLAB muli ang tensiyon sa pagitan ng Amerika at China sa ginanap na UN General Assembly sa New York. Ito’y matapos diretsahang sisihin ni US President Donald Trump ang China sa pagkalat ng coronavirus. Giit ni Trump, dapat panagutin ang China sa pandemya.“We must hold accountable the nation which unleashed this plague on […]
-
2 drug suspects tiklo sa P.1M shabu sa Valenzuela
MAHIGIT P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspects na naaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni District Drugs Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera ang naarestong mga […]
-
No. 19 most wanted person ng NCRPO nalambat ng NPD sa Zambales
NATIMBOG ng mga awtoridad ang No. 19 most wanted person ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa kanyang pinagtataguan lugar sa Zambales City, Miyerkules ng gabi. Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) chief PLTCOL Jay Dimaandal ang naarestong akusado na si Jonard Manalo, 27, tubong Malabon City […]