• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 araw bago Holy Week: Simbahan, may paalala sa mga deboto sa gitna pa rin ng pandemya

PINAG-INGAT ng simbahan ang mga mananampalataya sa mga aktibidad na gagawin kasabay nang pag-aayuno sa nalalapit na Holy Week.

 

 

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, ang Executive Secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, bago pa man nagkaroon ng pandemya ay sinasabi na ng Simbahan sa mga mananampalataya na hindi naman kailangan na magpapako sa krus para lang mapatawad ang kasalanan.

 

 

Kung pagpapatawad lang naman ang kailangan, sinabi ni Fr. Jerome na sapat na ang pangungumpisal.

 

 

Maaari naman kasi aniyang gawin pa rin ang penitensya pero hindi naman ibig-sabihin nito ay kailangan ding saktan ang sarili.

 

 

Iginiit ni Fr. Jerome na sa lahat ng mga posibleng gawin para sa nalalapit na Holy Week, ang pinakamahalaga pa rin ay ang pagdarasal.

 

 

Ito ay lalo pa at nahaharap pa rin ang bansa sa banta ng Coronavirus Disease 2019, kahit pa pinayagan na ang 100 percent capacity sa mga simbahan sa ilalim ng Alert Level 1.

 

 

Kaya naman kahit ang nakaugalian nang Station of the Cross ay puwede naman gawin kahit nasa loob lang ng bahay.

 

 

Sa darating na April 10, ay papasok na ang Palm Sunday o Linggo ng Palaspas na siyang hudyat ng pagsisimula ng Holy Week/Mahal na Araw.

Other News
  • Kumalat ang photos na kuha sa Amanpulo: BEA, nilinaw na hindi pa sila engaged ng DOMINIC

    NILINAW ni Bea Alonzo na hindi pa sila engaged ng nobyong si Dominic Roque.     Dahil sa mga kumalat na litrato nila ni Dominic na tila marriage proposal ay may nag-akalang malapit na silang ikasal ni Dominic.     “Picture iyon noong nagpunta kami sa Amanpulo, na akala ng mga tao na-engage kami. Hindi, hindi pa […]

  • CALOOCAN LGU, NAGSAGAWA NG HIV SUMMIT

    NAGSAGAWA ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, sa pamamagitan ng mga hakbangin ng City Health Department (CHD) ng summit na nakasentro sa human immunodeficiency virus (HIV) na dinaluhan ng mga opisyal at miyembro ng Sangguniang Kabataan mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod.       Nakatuon ang nasabing kumperensya sa pagpapakalat ng tamang impormasyon hinggil […]

  • Gilas Pilipinas inilabas na ang schedule sa 2021 Asia Cup

    Inilabas na ng FIBA ang mga schedule para sa 2021 Asia Cup na gaganapinsa Clark City mula Hunyo 16-20, 2021.     Unang makakasabak ang Gilias Pilipinas laban sa South Korea sa Hunyo 16, 2021.     Susundan na makakaharap nila ang Indonesia sa June 19 at muling haharapin ang South Korea sa June 20. […]