5 arestado sa buy bust sa Valenzuela
- Published on March 25, 2021
- by @peoplesbalita
Limang hinihinalang drug personalities ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Valenzuela City.
Ayon kay SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, dakong 10:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega kontra kay Noel Rotairo Jr., 53, sa isang kubo sa Star Apple St. Brgy. Gen. T De Leon.
Nagawang makapagtransaksyon ni PCpl Randy Canton na nagpanggap na buyer kay Rotairo ng P300 halaga ng shabu at matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur-buyer ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.
Nang kapkapan ni PSSg Gabby Migano, nakuha kay Rotairo ang nasa 2.5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P17,000 ang halaga, buy bust money, P270 cash at asul na kipling pouch.
Inaresto din ng mga operatiba si Joshua Brazil, 21, at Domingo Mendoza Jr., 39, matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu sa loob ng kubo at narekober sa kanila ni PCpl Ed Shalom Abiertas ang isang unsealed plastic sachet ng may bahid ng hinihinalang shabu, kandila at ilang drug paraphernalias.
Dakong 10 naman ng gabi nang masakote din ng mga operatiba ng kabilang team ng SDEU na sina PCpl Jhun Ahmard Arances at PCpl Maverick Jake Perez sa pangunguna ni PLT Madregalejo sa buy-bust operation sa kahabaan ng Jadevine St. Malinta si Bryan Peña alyas “Boss”, 46.
Ani SDEU investigator PCpl Christopher Quiao, nakumpiska kay Peña ang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P20,400, P300 buy bust money, P150 cash, smartphone, coin purse at mountain bike.
Samantala, ayon naman kay PSMS Fortunato Candido, dakong 7:30 kamakalawa ng gabi nang madamba din ng isa pang team ng SDEU na sina PCpl Kenneth Marcos at PCpl Mario Martin si Danilo Ranada, 41, (watch listed) sa buy bust operation sa pangunguna ni PLT Madregalejo sa kanyang bahay 65 De Galicia St. Brgy. Maysan.
Nasamsam sa kanya ang nasa 7 gramo ng hinihinalang shahu na tinatayang nasa P47,600.00 ang halaga, P500 buy bust money, P1,500 cash,cellphone at pouch. (Richard Mesa)
-
Kobe napiling cover ng NBA 2K21
Inilabas na ng NBA 2K21 ang kanilang ikatlong cover. Ito ay sa pamamagitan ng namayapang Los Angeles Lakers star Kobe Bryant. Ang “Mamba Forever” edition ng laro ay binubuo ng iba’t-ibang pirasong artwork ni Bryant. Isa aniya itong paraan sa pagkilala sa nasabing NBA player. Magugunitang noong Enero ng pumanaw ito […]
-
Pinoy cue artist Biado ibinahagi ang sekreto sa pagkapanalo sa US Open Billiard
Ibinahagi ni Filipino billiard champion Carlo Biado ang naging susi sa pagkakuha nito ng kampeonato sa US Open Pool Championship. Sinabi nito na kung hindi dahil panghihikayat ng kaniyang asawang si Niecky na magtungo sa US ay hindi nito makukuha ang kampeonato. Wala kasing mga torneo sa Pilipinas dulot ng COVID-19 […]
-
Unang araw ng pambansang pagbabakuna, napakatagumpay- Sec.Roque
NAPAKAMATAGUMPAY ng nangyaring pambansang pagbabakuna ng Sinovac na nagsimula araw ng Lunes, Marso 1 sa iba’t ibang ospital sa bansa. Ipinagmalaki ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang dobleng bilang ng mga nagpabakuna sa Philippine General Hospital (PGH) kung saan ay hindi ito inaasahan ng pamunuan ng PGH. “At least doon sa PGH kung […]