• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 babaeng Vietnamese, nasagip sa prostitusyon

LIMANG babaeng Vietnamese nationals ang nai­ligtas habang dalawa pang dayuhan ang dinakip sa entrapment operation ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Southern Police District (SPD) kaugnay sa pambubugaw umano ng mga babae para sa panandaliang aliw, sa Parañaque City, kamakalawa ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni SPD Director P/Brig. General Kirby John Brion Kraft ang mga suspek na sina Diyong Huang, (lalaki) Chinese national, 37; at  Thi Ut Ha, (babae), Vietnamese national, 26.

 

 

Sila ang itinuturong nasa likod sa prostitusyon ng mga biktima na kinilalang sina Bhu Thi My Linh, 29; Ngyuyen Thi Yen, 27; Tran Thi Yen, 27; Tran Thi Thuy Duong, 25 ; at Trieu Niu Coi, 31.

 

 

Sa ulat, dakong alas 2:30 ng madaling araw nitong Biyernes nang isa­gawa ang entrapment laban sa mga suspek sa Bayshore 1 Residence, sa Parañaque City.

 

 

Nag-ugat ang operasyon sa sumbong ng isang Romely Dipol Battung na ang mga babaeng banyaga ay ginagamit sa prostitusyon.

 

 

Narekober ang dalawang P1,000 bill, 51 piraso ng P1,000 boodle money na ginamit sa entrapment, itim na Toyota Fortuner (NBK1912) at isang Apple iPhone 14 Promax.

 

 

Inihahanda ang ihahaing reklamong paglabag sa Section 3(a) ng Revised Penal Code 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Person Act. (Gene Adsuara)

Other News
  • Hamon ni Yorme Isko Moreno sa gobyerno, bahala na ang DILG- Sec. Roque

    IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang naging pahayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na itutuloy ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila ang implementasyon ng EO 42 sa paggamit ng face shield sa kabila ng apela ng pamahalaan sa Local Government Units (LGUs) na manatiling […]

  • Paglobo ng HIV sa tinedyer, ikinabahala ni Bong Go

    NABABAHALA si Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, sa ulat na pagtaas ng kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas, partikular sa mga kabataan.     Matapos tulungan ang mga biktima ng sunog sa Davao City, binigyang-diin ni Go na kailangan na ng komprehensibo at multi-disciplinary approach upang matugunan ang […]

  • 18-anyos British tennis player Raducanu naibulsa ang 1st US Open title matapos talunin ang Filipina-Canadian na si Fernandez

    Naibulsa ng teenager at British professional tennis player na si Emma Raducanu ang kanyang kauna-unahang US Open matapos talunin ang teenager din na Filipina-Canadian na si Leyla Fernandez.     Sa unang set nagkaroon nang adjustment ang dalawang teenage tennis rising star dahil hindi pa nila makuha ang kanilang momentum.     Dikit ang unang […]