• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 drug suspects kalaboso sa P312K shabu sa Caloocan, Navotas

NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit P.3 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa limang drug suspects matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan at Navotas Cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-5:30 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO ng buy bust operation sa Medium House Rising 4, Brgy. 188, na nagresulta sa pagkakaaresto kay Dariel Nave, 41 ng Brixtonville Subdivision, Brgy. 175.

 

 

Nakumpiska sa kanya ang humigi’t kumulang 25 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price Php 170,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 8 pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Ani Lacuesta, ang pagkakaaresto sa suspek ay resulta ng isang linggong validation ng mga operatiba ng SDEU makaraan ang natanggap na impormasyon mula sa isang confidential informant hinggil sa pagbebenta umano niya ng ilegal na droga.

 

 

Sa Navotas, alas-9:30 ng gabi nang mabitag naman ng mga operatiba ng SDEU ng Navotas police sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Dexter Ollaging sa buy bust operation sa A. Santiago St., Brgy. Sipac Almacen si Napoleon Naval alyas “Napo”, 43, at Ronaldo Cruz alyas “Jojo Mata”, 60, kapwa (pusher/listed).

 

 

Nasamsam sa mga suspek ang nasa 11 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P74,800 at P500 marked money.

 

 

Nauna rito, nalambat din ng kabilang team ng Navotas police SDEU sa buy bust operation sa Dalagang Bukid St., Brgy, NBBS Dagatdagatan si Darwin Apas alyas “Buboy”, 40, (Pusher/listed) at Lawrence Rodica, 28, ala-1:05 ng madaling araw. Nakuha sa kanila ang humigi’t kumulang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000 at P500 buy bust money.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones ang Caloocan police at Navotas police dahil sa mahusay nilang trabaho kontra illegal drugs. (Richard Mesa)

Other News
  • Bagong album ni Taylor Swift na “Evermore”, umani ng bonggang review mula sa Rolling Stone magazine

    Thankful si Alfred Vargas na nagkaroon siya ng pelikula sa Metro Manila Film Festival.    Una niyang MMFF entry ay ang Bridal Shower in 2004 na dinirek ni Jeffrey Jeturian at ang huli ay ang Banal in 2008 na dinirek ng the late Cesar Apolinario.   Isang taon na raw natapos ang latest MMFF official […]

  • 1 SA 2 SUSPEK SA PANGANGARNAP AT TANGKANG PAGPATAY SA CARPOOL DRIVER, ARESTADO

    TIMBOG ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang isa sa dalawang suspek sa pangangarnap at tangkang pagpatay sa 28-anyos na carpool driver na binigti at pinagsasaksak sa loob ng minamanehong Toyota Hi Ace van ng biktima.     Kinilala ni PLT Robin Santos, hepe ng Valenzuela City Warrant and Subpoena Section (WSS) ang naarestong […]

  • Steph Curry inangkin ang ika-2 NBA scoring title

    Napasa­kamay ni Stephen Curry ang kanyang ikalawang NBA scoring crown habang inangkin ng Portland Trail Blazers ang No. 6 berth sa Western Conference playoffs sa pagtatapos ng regular season games.     Sa San Francisco, nagpasabog si Curry ng 46 points sa 113-101 pagbugbog ng Golden State Warriors (39-33) sa Memphis Grizzlies (38-34) para kunin […]