• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 drug suspects nabingwit sa Navotas buy bust

NALAMBAT ng pulisya ang apat na hinihinalang drug persobalities matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Navotas City.

 

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez ang buy bust operation kontra kina alyas Joden, 30, at alyas Gingging, 42, matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa kanilang ilegal drug activities.

 

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba dakong alas-7:38 ng gabi sa Bangus St., Brgy., NBBS Kaunlaran.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 8.96 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P60,928 at buy bust money.

 

 

Nauna rito, natimbog naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation din sa Matangbaka St. Barangay NBBS Dagatdagatan, bandang alas:10:29 ng gabi sina alyas Rendol, 32, at alyas Cabyo, 41.

 

Ani Capt. Sanchez, nasamsam sa kanila ang aabot 5.36 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P36,448.00 at buy bust money.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Marcos Jr: Tiyaking may kasamang mga gamot ang relief package

    PINATITIYAK ni ­Pangulong Ferdinand R. Marcos nitong Martes ang pagbalangkas ng ­standard operating procedure (SOP) para sa pagsasama ng mga gamot sa mga relief pac­kage sa oras ng kalamidad at emergency.     Ayon sa Pangulo, ­ilang araw pagkatapos ng isang kalamidad, ang mga apektadong indibidwal ay naghahanap ng mga over-the-counter na gamot katulad ng […]

  • MANGGAGAWA NG PAL, TUMANGGAP NA NG SEPARATION PAY

    NAKATANGGAP  na ng kanilang separation pay ang mahigit sa 1,4000 manggagawa ng Philippine Airlines (PAL) na natanggap sa trabaho.   Sa pahayag na inilabas ng Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR) umabot sa P2.31 bilyon ang separation pay na naipamahagi sa 1,455 apektadong mangggagawa .   Ang nasabing mga manggagawa na […]

  • Sharpshooter guard Evan Fournier, aalis na sa NBA matapos ang 12 season

    AALIS na si Evan Fournier sa National Basketball Association(NBA) matapos ang 12 season na paglalaro.     Sa kasalukuyan ay isang unrestricted free agent si Fournier matapos niyang tanggihan ang alok sa kanya ng Detroit Pistons na $19 million contract para sa 2024-2025 season.     Noong Pebrero 2024, napunta siya sa Detroit bilang bahagi […]