5 drug suspects, nadakma sa Malabon
- Published on December 19, 2024
- by @peoplesbalita
LIMANG hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang dalawang ginang ang timbog sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Malabon City.
Sa kanyang report kay NPD Acting Dirrector P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation matapos magpositibo ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities nina alyas “Jr”, 32, alyas “Esmer”, 51, at alyas “Jane”, 46, pawang residente ng lungsod.
Nang tanggapin umano ng isa sa mga suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay silang inaresto ng mga operatiba ng SDEU dakong alas-2:00 ng madaling araw sa Del Rosario St., Brgy. Dampalit.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 2.95 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P20, 060.00 at buy bust money.
Alas-9 ng gabi nang mahuihan naman ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station (SS1) si alyas “Dagul”, 37, ng Bagong Barrio, Caloocan City ng isang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P7,820 sa East Riverside St. Brgy.. Potrero.
Habang alas-11:30 ng gabi nang madakip ng mga tauhan din ng SS1 si alyas “Dodong”, 35, ng Brgy. Potrero, matapos makuhanan ng isang plastic sachet ng umano’y shabu sa Riverside St., Brgy. Potrero.
Ani PMSg Kenneth Geronimo, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Ads July 29, 2022
-
Masigla at punum-puno ng energy kahit senior citizen na: VILMA, ipinagmamalaki at suportado ang ‘Barako Festival’ ng Lipa, Batangas
ISANG punum-puno ng sigla ang dinatnam naming Vilma Santos nang maimbitahan kami sa 3rd Barako Fest na ginanap sa Lipa City, Batangas. Very energetic at talaga namang hindi mo makikita sa Star for All Seasons na isa na isa na siyang senior citizen. Kaya may mga nagmamahal sa premyadong aktress ba nagwo-worry sa health niya. […]
-
Top 3 most wanted person ng Malabon, nalambat ng Navotas police
LAGLAG sa selda ang isang lalaki na nakatala bilang Top 3 most wanted person sa Lungsod ng Malabon makaraang malambat ng pulisya sa manhunt operation sa Navotas City. Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Brgy. NBBS Proper ang presensya ng 48-anyos na akusado na si alyas ‘Asyong’ […]